HINDI mapakali si Ira sa kaniyang kinatatayuan habang hinihintay ang isang black mercedes benz na sasakyan na huminto sa harapan niya. Hanggang ngayon ay tinatanong niya ang sarili kung paano siya napapayag ng isang Allen Ramirez na maging acting girlfriend niya? Kung sabagay ay tatlong araw lang naman 'yon. Hindi naman siguro mahirap 'yon dahil magaling naman siyang umarte. Pero hindi pa rin nito mapigilang pumadyak dahil naiinis siya sa sarili. How can she let this man ruining her experience to be her first? Napakabilis lang makuha ni Allen ang desisyon niya pagdating sa bagay na 'yon. Pero kapag ibang tao na ay daig niya pa ang batang nagtatago sa palda ng kaniyang nanay kapag may gagawing desisyon tungkol sa relasyon. Nanatili ang mga mata niyang nakayuko habang nakatingin sa kaniyan

