NAGMAMADALING tumakbo si Ira papunta sa kaniyang sasakyan. Ito ang araw ng kasal ng kaibigan niya na si Jhoyce at siya dapat ang mag-aayos, pero dahil nagkaroon ng emergency ay kailangan niyang maghabol ng oras. Mabuti na lang at alam niya ang venue kung saan ito gaganapin kaya hindi naging mahirap sa kaniya para puntahan ito. Pagkarating doon ay nakahinga siya nang mabuti nang hindi niya pa nakita sina Jhoyce. Mukhang naunahan niya pa ang mga ito. Ang akala niya ay nahuli na siya. Inayos naman agad ni Ira ang sarili nang may humintong sasakyan sa may harapan niya. Nang makababa ang kaibigan ay nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Hindi niya akalain na magiging ganoon ang ayos ng dalaga. Hindi ito tugma sa pangyayari na gaganapin ngayon. Hindi siya makapaniwala na makita si Jhoy

