SERYOSO ang mukha ni Ira nang lumabas siya sa silid habang dala-dala ang kaniyang doctor's prescription matapos nitong magpa-check up para sa kaniyang pinagbubuntis. Napatayo naman agad si Jhoyce nang makita ang kaibigan na papalapit sa kaniya. "Oh, anong sabi ng doctor sa iyo?" tanong ni Jhoyce nang tuluyang makalapit. Pinakita ni Ira ang prescription sa kaniya, pero hindi niya na ito pinabasa pa. "Ano daw meron?" "Nag-prescribe siyang uminom ako ng pampakapit dahil mababa ang matres ko," simpleng paliwanag ni Ira. Nanlaki naman ang mga mata ni Jhoyce at maglalakad na sana ang kaibigan nang pigilan niya 'to. "Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" paninigurado ni Jhoyce. Tinuro ni Ira ang silid na nilabasan niya kanina. "Ask the doctor." Hindi alam ni Jhoyce kung ano ang mararamdaman niya p

