Chapter 176

1226 Words

MABILIS na bumalik si Ira sa loob ng kuwarto nang makita niya 'yon sa kanila. Hindi siya nagsalita, hindi siya nagpakita at tahimik lang siyang bumalik doon. Sana ay hindi niya na sinundan pa si Allen sa baba o kaya naman sana ay hindi niya na lang ito pinayagang makita si Aiselle ng gabi. Hawak niya ang kaniyang dibdib nang maisarado ang pinto at sumandal sa pader. Tulala siyang nakatingin sa kaniyang harapan na para bang nagtatanong kung totoo ba 'yong nakita niya o pinapaniwala niya na lang ang sarili na baka guni-guni niya lang 'yon. Napailing ito nang maisip na totoo 'yon dahil nakita niya kung paano dinampian ni Aiselle ng halik ang binata. Hindi niya mapagkaakila na nasasaktan siya. Parang kanina lang ay nag-sorry sa kaniya ang lalaki tapos ganito na ang nangyari. Kung lolokohin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD