SABAY na napalingon ang dalawa nang sumingit si Isabela sa gilid nila. Hindi pa nasasagot ni Ira kung sino siya sa babaeng kaharap at wala siyang balak sagutin ito hangga't hindi niya rin nakukumpirma kung sino ito. "Ma'am Ira, kanina pa po kayo?" pagsingit ni Isabela sa usapan. Nakita naman kaagad ng katulong ang cake na nasa lapag kaya kinuha niya na ito. "Kumusta po ang ramp show mo?" "Good," wika ng dalaga sa katulong. "Ohh. She's the girl that Allen's referring to." Napakunot naman ang noo ni Ira nang marinig 'yon galing sa babaeng kaharap niya, pero hindi niya na lamang ito pinansin pa. Kung may higit na nakakaalam sa babaeng ito ay si Allen 'yon at kailangan niyang mahintay ang pagdating ng binata. "Nakapagluto na po si Manang Norma sa loob. Gusto niyo na po bang kumain?" Napa

