NAKARATING silang lima kung saan malayo sa kanilang tinitirhan at may mataas na sekuridad. Ngunit hindi pa rin sila kampante dahil may kasama itong bata. Dali-daling lumapit si Allen sa isang kaibigan niya na alam nitong makakatulong sa kaniya. "Dude, sinabi ko naman sa iyo na matagal ko nang tinalikuran ang pamilya ko," paliwanag ni Emman sa kabilang linya. Napalingon si Allen sa puwesto nina Ira at hawak-hawak nito ang mahimbing pa rin na natutulog na si Riley. Kahit gaano man karami ang pera ni Allen para protektahan ang pamilya niya ay alam niyang hindi niya 'yon magagawa ng mag-isa. "Kahit ngayong gabi lang, Emman. Uuwi rin kami bukas ng umaga sa pamilya ni Ira. Ayoko lang talagang makita ang mga kasama ko na natatakot at hindi makatulog. Kahit para sa bata na lang ay gawin mo," m

