NAPAHAWAK si Allen sa kamay ni Ira nang idiin ng dalaga ang hawak nitong kutsara sa leeg ng binata. Simula noong sinabi ni Allen ang dapat gawin para mawala ang hickey ay akala niya ay hindi na siya tutulungan ni Ira. Mabuti na lang at nag-offer siya ng pera sa dalaga kaya naman nagmadaling kumuha si Ira ng kutsara para ilagay ito sa loob ng fridge para palamigin. "May galit ka ba sa akin?" reklamo ni Allen dahil kanina niya pa nararamdaman ang pagdiin ng dalaga sa hawak nitong kutsara. Tinulungan nga siya, pero mukhang wala naman sa loob niya ang tumulong. "Oo!" galit na sabi ni Ira. "Kaya bilisan mo at baka hindi ako magtimpi at kutsara na mismo ang isaksak ko rito sa leeg mo." Napabitaw naman si Allen sa pagkakahawak niya kay Ira at hinayaan na lamang ang dalaga na gawin ang ginagawa

