Chapter 92

2723 Words

MAAGANG nagising si Ira pero napansin niyang wala na si Allen sa tabi niya. Alam niya naman na simula noong nandito sila ay sa iisang kama na sila natutulog para hindi magtaka ang mga magulang ng binata. Iniisip tuloy ni Ira kung saan ito pumunta o baka hindi talaga sumunod sa kaniya si Allen kagabi. Hindi niya tuloy alam ang mararamdaman. Alam niya naman sa sarili na gusto lang siyang protektahan ni Allen. Alam niyang may masasabi talaga na hindi maganda sa kanila, lalo na at hindi naman talaga sila totoong mag-asawa. "Hays," isang mahabang hininga at pinakawalan ni Ira bago tumayo sa kama at dumiretso sa loob ng banyo. Inalis niya muna sa isip ang lalaki at nagsimulang maligo para makapag-ayos na rin dahil aalis sila ng nanay ni Allen. Hindi niya alam ang oras kasi hindi naman sinabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD