Chapter 154

1281 Words

HINDI makapagsalita si Ira nang matapos si Jhoyce sa pagkukwento ng nangyari. Walang lumabas na salita sa bibig niya dahil pina-process pa ng utak niya ang nalaman. Hindi niya inaasahan na gagawin 'yon ng magulang ng kaniyang kaibigan. Kung noon ay naiintindihan nila kung bakit ganoon na lamang sila maghigpit kay Jhoyce, ngayon naman ay hindi niya na malaman ang dahilan kung bakit. "Uuwi muna ako sa Canada," sambit ni Jhoyce. Napalingon naman sa kaniya si Ira. "Nakapagsabi na ako sa tita ko at nakapag-book na rin ako ng flight. Hindi ko na kakayanin kung mags-stay pa ako rito ng matagal." "Kailangan mo ba talagang gawin 'yon?" malungkot na sabi ng dalaga. Kahit na hindi sila madalas magkita at malayo sila sa isa't isa ay hindi niya naman kakayanin kung mas mapapalayo pa ang kaibigan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD