HINDI maalis sa isip ni Ira ang nangyari kanina sa loob ng silid. Gusto niyang bumalik doon at magmakaawa na lang kay Shaina na huwag umalis, pero ayaw niya itong pigilan sa gagawing desisyon. Hindi niya alam kung para saan ang hindi pagsabi ni Shaina ng totoo. Nasa isa siyang pagtitipon habang nasa gitna si Direct Jay habang nagsasalita. Pinapaliwanag nito ang mga sunod na gagawin para maging madali lang sa lahat ang gawain. Sa halip na mag-focus si Ira doon ay lumilipad ang kaniyang isip kung desidido na ba si Shaina sa kaniyang desisyon na umalis? Kasi kung oo ay hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos, ang ginawa niya pa ay magalit sa kaniya. "Everyone dismiss. Ira, stay here." Ayon lang ang tanging narinig ni Ira sa lahat ng sinabi ng kaniyang director. Alam niya na

