PAGKARATING ni Ira sa loob ng kuwarto ay naabutan niyang tulala sa isang sulok ang binata. Balak niya sanang awayin pa ito dahil sa pang-aasar, pero napansin niya na parang may iba kay Allen. Bukod pa roon ay hindi na rin siya makagawa ng ingay dahil natutulog na si Riley. Ayaw niya namang magising ito dahil mahihirapan na siyang patulugin pa ang bata. "Para kang nakakita ng multo. Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Ira pagkalapit. Napailing na lang ang dalaga nang hindi man lang siya nilingon ng binata kaya nagpalit na lamang siya ng damit pantulog. Kung walang balak si Allen na pansinin siya, p'wes ganoon din siya. Hindi siya magpapatalo rito. Dumiretso siya sa kama at tumabi kay Riley. Malaki ito kaya naman magkakasya silang matulog dito. Nakasanayan niya na rin ang pagtabi nilang ta

