MAGKAHARAP sina Ira, Allen, Aiselle at ang mag-asawang Ramirez. Nagkakatinginan ang mga ito, pero walang naglakas loob na magsalita sa kanila. Hindi makapaniwala si Allen sa narinig at hanggang ngayon ay pina-process niya sa utak ang nalaman. Parang unti-unting nagkakaroon ng idea ang binata kung bakit ganoon na lamang ang mga taong nakakasalamuha niya. Pakiramdam niya ay kilalang-kilala siya ng mga ito. Kitang-kita ni Alyanna kung paano gulong-gulo ang anak. Kahit hindi niya sabihin ay alam niyang mahuhuli siya sa planong ginawa. Hindi niya lang alam na mas tumagal bago nila ito napansin. Huminga ito nang malalim bago nagsimulang magsalita. "Two years ago," pagsisimula ni Alyanna. Tumingin naman lahat sa kaniya. "Dalawang taon kong binuo ang plano na 'yon at sa dalawang taon kong paghi

