BUMALIK si Allen sa baba para puntahan si Alyanna matapos niyang maihatid ang dalaga sa kuwarto. Hindi maalis sa isip niya 'yong sinabi ng kaniyang nanay pagkarating niya kanina na may nakuha itong balita tungkol sa kanilang dalawa ni Ira. Nagtataka tuloy siya kung ano ang tinutukoy ng ina. Naabutan niya si Alyanna na nasa kusina habang tinutulungan mag-ayos ang matandang katulong para sa kanilang kakainin. Nilapitan muna ni Allen si Isabela na nasa bandang unahan lang habang buhat-buhat nito si Riley. KInuha niya naman ang bata mula sa dalaga. "Ipagluto mo muna si Ira ng soup at para makakain na rin siya," utos ng binata. Tumango naman ito at agad na sinunod ang sinabi ni Allen. Sakto namang matapos iutos 'yon ng binata ay siya namang paglingon sa kaniya ni Alyanna. Nakita ni Allen an

