ISANG neurologist ang inirekomenda ng doktor na pinagdalhan ni Ace kay Prix. May findings na ito sa kalagayan ng dalaga pero gusto pa rin nitong makasiguro kaya agad niya itong dinala sa Maynila. Nagkataon namang isang neurologist ang “Dr. Jereth” na nakita niya sa booklet na nakita niya sa mga gamit ni Prix na dinala niya. “Ano `kamo? Pakiulit nga ang sinabi mo?” Hindi niya iniwan si Prix kahit pa tila kakastiguhin na siya ng apat na babaeng naroon sa pribadong silid ng doktor. Naroon na ang mga ito nang dumating sila roon. Tinawagan din kasi niya ang isa pang nakasulat na numero at pangalan sa booklet ni Prix para ipaalam ang nangyari sa dalaga. Ang babaeng nakausap niya sa telepono ang nagsabi sa kanya kung saang ospital niya dapat dalhin si Prix pagdating ng mga ito sa Maynila. Nagk