Chapter Two

1541 Words
MAYUMI POV "Yumi, tama na." Pinahid ko ang luha. Iling lang ako ng iling. Hindi ko matanggap na patay na ang anak ko. Siyam na buwan ko syang dala-dala sa sinapupunan ko. Pero bakit ganito ang nangyari sa akin? "Kris, ayokong maniwala na patay na ang anak ko. Narinig ko pa ang iyak niya ng mailabas ko siya." Umiiyak na saad ko. "Buhay siya Kris. Buhay ang anak ko!" Lumapit sa akin si kris at niyakap ako. Tatlong araw na magmula ng makalabas ako ng hospital. Pinanganak ko ang malusog na bata bago ako mawalan ng malay. Di ko alam kung ano ang nangyari basta sinabi na lang sa akin ng doktor na patay na ang anak ko ng magising ako. Hindi ako makapaniwala dahil alam kong buhay na buhay ang anak ko. Tapos magigising na lang ako na patay na. Pinalibing ko kaagad ang anak ko. Walang sino man ang nakakaalam na nanganak na ako. Kahit ang pamilya ko. Katulad ng sinabi ko sa kanila. Pinutol ko na ang ugnayan ko sa kanila. Tatlong araw na akong nakakulong sa kuwarto ko. Pinagluluksa ko ang pagkawala ng anak ko. Hindi ako iniiwan ni kris. Siya ang naging sandalan ko. "Friend, hindi na natin maibabalik pa ang buhay ng baby mo. Tanggapin mo na lang ang katotohanan na patay na siya. Nasa mabuti na siyang kalagayan." "Please iwan mo muna ako." Walang nagawa si kris kundi ang sundin ang gusto ko. Humagulhol ako ng makaalis siya. Tatlong buwan na ang nakakalipas. Paunti-unti ko na rin natatanggap na wala na nga ang anak ko. Sa tulong ni kris. "Hi Friend." Umangat ako ng tingin. "Kamusta ang work?" Nakangiting tanong ko. Pasalampak siyang nahiga sa sofa. "Eto Feeling ko nga mahihimatay ako sa sobrang pagod." Sagot niya. Natawa ako dahil sa sinabi niya. "Naghanda na ako ng dinner natin. Magpalit ka na para makapagpahinga ka na." Ani ko. Tumango siya at ngumiti. "Teka may sasabihin ako sayo." Napahinto ako sa ginagawa ng magsalita siya. "Ano?" Huminga siya ng malalim. "Kaibigan ko ang bestfriend ni Yohan. Ang sabi niya, iniwan daw ni blair ang mag-ama." Kumunot ang noo ko. "Kailan pa? Imposible namang gawin iyon ni blair." "Friend bakit hindi? Malandi si blair kaya naghanap ng iba. Iniwan nga niya ang anak niyang three months lang." "Ano ba ang rason at umalis siya?" Ngumiti si kris. "May bago na si blair. Eto na ang chance mo friend." kinikilig na aniya. Umiling ako. "Ikaw talaga. magpalit ka na." Yun na lang ang nasabi ko. Bakit kaya ginawa iyon ni blair? Alam kong mahal na mahal niya si Yohan at imposibleng ipagpalit na lang niya sa iba ang lalaki gayung may anak na sila. Buong maghapon kong iniisip ang sinabi ni kris. Kawawa naman si Yohan kung ganun nga ang ginawa ni Blair. Pano niya aalagaan ang anak nila kung nilayasan siya ng kapatid ko. "Oh saan ang lakad mo?" Nabaling ang atensyon ko kay kris. I smiled at her. "May kikitain lang ako." Tumayo siya. "Mag-iingat ka." Yumakap muna ako sa kanya at umalis na. Pumara ako ng taxi at sinabi sa driver ang pupuntahan namin. Malalim akong napabuntong hininga. Plano kong makausap ang isa sa malapit na tao sa pamilya ko. Siya ang mata ko sa mansyon. Sinasabi niya sa akin ang lahat nangyayari doon. Nang makarating kami agad akong lumabas. Pumasok ako sa Resto. May nakabangga akong babae. nahulog ang dala niya kaya tinulungan ko siya. "I'm sorry miss." Ngumiti lang sa akin ang babae at inayos ang suot na salamin. "Wala 'yun. Sige mauna na ako." Tumango ako sa kanya. Maganda sana ang babaeng iyon kung marunong lang siya mag-ayos ng sarili. May humabol sa babae. Sumigaw ang lalaki. "Teka Sofia!" Napailing na lang ako at umalis na sa kinatatayuan ko. Nakita ko agad ang taong kikitain ko. Nang mapatingin siya sa direksyon ko. Kumaway ako sa kanya at lumapit. Tumayo siya na may ngiti sa labi. Agad ko syang niyakap ng mahigpit. "I miss you kuya." He pat my head. Lumabi ako. "I miss you too yumi." Tinawag niya ang waiter. May lumapit naman sa amin at kinuha na ang order. "So kuya kamusta?" Titig na titig siya sa akin. "I'm fine. How about you? Balita ko. Tinakwil ka na ng parents mo." Napabuntong hininga ako. Kung pwe-pwede lang ay kalimutan ko na ang nangyaring iyon. "Yes kuya." Sagot ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. "Nandito lang ako para sayo. Saan ka ba naninirahan ngayun? Ano ba kasi ang dahilan at nagkaroon kayo ng away nila tita?" Naguguluhang tanong niya. Muling nanumbalik sa isip ko ang pilit kong kinakalimutan. "Kuya, nabuntis ako. Hindi nila tanggap ang bata at gusto nilang ipalaglag ko." Panimula ko. Ayokong itago sa kanya ang totoo. "Ano naman ang sabi mo? Sinunod mo ba ang gusto nila?" Umiling ako bilang sagot. "Then what happen? Nasan ang bata. Gusto ko syang makita." Mapait akong napangiti. Nag-uulap ang mata ko. At ano mang oras ay maluluha na ako. "Patay na ang baby ko kuya. Pagkapanganak ko sa kanya. Ewan ko kuya pero ang bilis ng pangyayari. Sabi sa akin ng doktor. Patay na ang baby ko. Tatlong buwan na rin ng mawala siya. At onti-onti ko na ring natatanggap ang lahat." Tumayo siya at lumipat sa katabi kong upuan. Hindi ko mapigilang humagulhol ng yakapin niya ako. "Bakit hindi mo sinabi sa akin. Sana man lang nasa tabi mo ako ng mga panahong nagluluksa ka." "Hindi na kailangan kuya. Kaya ko naman ang sarili ko." He cupped my face. "Kuya mo ako Mayumi. Nangako ako saiyo na lagi akong nasa tabi mo kapag kailangan mo ako. Ni hindi ko man lang nagampanan ang pagiging kuya ko sayo." "Nangyari na ang lahat kuya. Wala na rin ang baby na gusto nilang mawala." Pinahid niya ang luha sa pisngi ko. "Mag-mula ngayun, wala ka ng itatago mula sa akin. Dapat sabihin mo lahat ng nasa puso mo at tutulungan kita." Niyakap ko siya. "Thank you kuya Kelvin." Dumating na ang order namin kaya stop na muna kami sa drama. "Nga pala kuya kelvin. Nalaman ko sa kaibigan ko na iniwan ni blair ang mag-ama niya." Ibinaba ni kuya ang hawak na juice. "Oh alam mo na pala iyon. Oo, tatlong buwan na ng manganak siya at nito lang umalis siya ng walang paalam kay Yohan. Ni hindi nga namin alam kung nasaan siya. Basta ang alam lang namin may bago na siyang lalaki." Aniya. Napatango-tango ako. "Kamusta na si Yohan?" Hindi ko mapigilang itanong ang lalaking nagpagulo sa isip ko. "Ayun busy sa pag-aalaga ng anak niya." "Gusto ko sanang makita ang pamangkin ko. Alam mo ba ang address nila?" Tumango si kuya kelvin. Binigay niya sa akin ang address. nagpasalamat ako sa kanya. "Wala ka bang balak na bumalik na sa pamilya mo?" "No kuya. Nangako ako sa kanila na kahit kailan hindi ko na sila ituturing na pamilya." "Wala na ba talagang pag-asa na magkaayos kayo? Pamilya kayo Mayumi." Napailing ako. "Kahit gustuhin ko man kuya. Hindi na talaga babalik sa dati ang lahat. Malaking sugat ang nagawa nila sa pagkatao ko. Ni hindi ko nga maramdaman na naging parte ako ng pamilyang iyon. Mabuti na din at nangyari to kuya." Nagtagal pa kami sa Resto. Masaya ako na makasama si Kuya Kelvin. Siya at ang pamilya niya ang kinikilala kong pamilya ko. "Pano ba yan. I need to go mayumi." Yumakap ako kay Kuya. "Thank you sa oras mo kuya. Next time ulit ha." Nakangiting ani ko. Sinamahan ko hanggang sa parking ng kotse si kuya kelvin. Sumakay na siya sa sasakyan niya. Kumaway ako sa kanya ng paalis na siya. Sobrang saya ko na nagkita kami ni kuya kelvin. Feeling ko hindi ako nag-iisa. Plano ko na bisitahin ang pamangkin ko. Lalo na ngayun na iniwan sila ni Blair. Mabilis akong nakarating sa bahay ni Yohan. Nagulat ako ng makita siya na palabas ng bahay. Nagtama ang aming mga paningin. Lumapit siya dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. Binuksan niya ang gate. Nasa harapan ko siya. Hindi ako makapaniwala na kaharap ko siya ngayun. "Hi, ikaw ba ang yaya na pinadala ng agency? ikaw ng bahala sa anak ko. kailangan ko ng umalis dahil may meeting pa ako." Aniya. Napatanga ako. Tumalikod na siya sa akin. Gusto ko sanang umangal pero nakita ko na lang ang sarili na sumusunod sa kanya. Pumasok kami sa loob ng bahay. May buhat-buhat siyang bata. Napangiti ako ng makita ang bata. "Eto ang anak ko si Brenda. Kumpleto mga gamit niya. Kung may problema tawagan mo lang ako. I really need to go." Nagulat ako ng lumapit siya sa akin. Kinuha ko sa kaniya si Baby. Hinalikan niya ang bata sa pisngi. Nagtama ang aming mga paningin. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Ngumiti siya sa akin. Hanggang sa makaalis siya wala ako sa sarili. Napako ang tingin ko sa baby. "Hi baby brenda. Ako ang Tita Mayumi mo. Ako muna ang bahala sayo kasi sobrang busy ng daddy mo. Aalagaan kita hanggang sa dumating ang daddy mo." Pakikipag-usap ko sa baby. Napahagikhik ako ng ngumiti ang baby. I remember my baby. Sayang at hindi man lang siya nakita at nakilala ng daddy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD