bc

THE BILLIONAIRE'S LUST

book_age18+
5.4K
FOLLOW
31.0K
READ
billionaire
sex
playboy
drama
tragedy
bxg
city
office/work place
friendship
affair
like
intro-logo
Blurb

Astrid Valiente, tinakasan niya ang mala impyernong buhay niya sa probinsya para mamuhay ng tahimik.

Hindi niya alam na impyerno din pala ang kaniyang pupontahan. Isang malaking pagkakamali ang mapamahal siya sa isang taong alam niyang bawal at ito ay mali.

Matatakasan kaya niya ang impyernong buhay na pinasukan niya?

The Billionaire's Lust

written by: Rogin2002

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE √
CHAPTER ONE: “Nay, magandang gabi ho.” Nagmano ako kay Nanay at agad naman akong lumapit kay Tatay. “Tay, gandang gabi ho.” Pagpasok ko pa lang ng bahay ay alam ko na agad ang magiging kalalabasan nito. “Ginabi ka na naman, hanggang ano oras ba ang klase n’yo? Alas-siyete?” singhal na naman ng mabit kong tatay. Sanay na ako. Sa loob ng twenty years, halos binabaon at almusal ko na ang kaniyang mga putak. “May group project ho, kasama sila Andrew,” sagot ko naman at agad na yumuko. Inilagay ko ang bag sa likod ng pintuan at agad na sumabay sa kanila maghapunan. “Alam mo ilang beses na kitang sinabihan na tantanan mo na ang Andrew na ‘yan.” Ayan na naman siya, nagsimula na namang magkumpisal. Bakit ba kasi ang init-init ng ulo niya sa’kin? Kahit one-time lang na maging okay lang siya sa’kin I promise masayang-masaya na ako no’n. “Nel…” pagpapatigil ni Nanay sa kaniyang kakaputak. Sakto namang dumating si Caitlyn at halos abot tenga naman ang kaniyang ngiti. “Oh, anak andiyan ka na pala. Halika, sumama ka na rito,” bungad niya sa kaniyang unica hija. “Tay, nakita ko po kanina sina Astrid at Andrew, nagde-date yata sila sa parke.” Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya at nagsimulang nangatog ang tuhod ko. “Oh! ‘Di ba sabi ko Astrid, lumayo ka kay Andrew?” Kita ko pang ngumisi si Caitlyn nang magsimula nang magalit si Tatay Arnel. “Ikaw pinapaaral kita nang maayos! Pinapakain at pinapatulog tapos ‘yan lang ang isusukli mo? Paglalandi!? Mag-aral ka!” “Tay, hindi ho ako nakikipag-date kay Andrew. Mag-best friend lang talaga kami no’n,” paliwanag ko pero kahit na anong sabihin ko e paniwalang-paniwala ‘to sa anak niya. “Mag-best friend! May mag-best friend ba na sweet?” sulsol pa nito at tiningnan ko lang siya nang masama at nagsimula nang mamilog ang mata ko. “Tama na nga ‘yan! Ikaw, Astrid, lumayo ka na lang diyan sa Andrew na ‘yan.” Ito na naman si Nanay, ni minsan ay hindi man lang ako kinampihan. “Pero Nay--” tingnan niya lang ako at sumenyas na ‘wag nang sumabat at baka lalong magalit pa ang isa at ako na naman ang kawawa. Pagkatapos kumain ay naghugas ako ng pinggan habang pinipigilang bumuhos ang luha ko sa lababo. Ganito ako araw-araw, natutulog na masama ang loob at umiiyak bago matulog. Umaalis ng bahay na masama ang loob at bumabalik na sinasalubong ng sama ng loob. Ewan ko ba ba’t galit na galit sila sa akin ‘e lahat naman nang mabuti ay ginawa ko. Pero bakit parang wala silang nakikitang mabuti sa’kin at halos napapansin nila ang mga maling bintang sa akin. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay agad naman akong pumasok sa kwarto at rinig na rinig ko pa ang pag-uusap ni Caitlyn sa kaniyang boyfriend. E bakit siya pinapayagang lumandi? Nakahanap pa nga ng kaaway si Caitlyn dahil dalawa ang boyfriend niyang pinagsabay. Tapos ako ngayon, bawal? Tapos ako ang palaging pinag-iinitan nila ng ulo? Ang unfair talaga, nakakasira ng puso. ‘Pag-iinisip ko ‘yon araw-araw ay nadudurog ang puso ko. Umiiyak na lang ako hanggang sa makatulog. KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil maaga ko pang tutulungan si Nanay na magsaing at magpapakain ng mga bibe. Kailangan kasi pagising nila ay nakahanda na ang pagkain sa mesa at ayaw nilang pinaghihintay. One time, naranasan kong magising at alas-nuebe na yata no’n at binuhusan ako nina Caitlyn at Tatay Arnel ng basang tubig habang wala si Nanay. Iyak ako nang iyak at nagkulong ako sa kwarto nang buong araw at simula noon ay hindi na sila tumigil sa pinanggagawa nila. Hindi ko na nakuha pang lumaban o sumabat dahil alam kong sa huli ay ako rin lang naman ang matatalo at walang kakampi sa akin. “Kape, Astrid, bilisan mo naman!” Pagkagising pa lang ay mainit na agad ang ulo ni Tatay Arnel. Sunod namang lumabas si Caitlyn at parang asong nakangisi sa kaniyang cell phone. “Astrid, pagtimpla mo ako ng gatas, tsaka ‘yung tubig ko pampaligo, okay na ba? Make sure na puno ‘yan!” Para siyang anak ng isang congressman kung mag-utos. Mabaho naman ang hininga niya. “Opo, Mama!” sagot ko pa. “Anong sabi mo?” mukhang narinig niya yata. “Sabi ko, okay na ho ang tubig n’yo punong-puno, at ipagtitimpla na kita ng gatas,” nakangisi kong sagot sa kanya. “Umayos ka kung ayaw mong kumalat sa mukha mo ‘tong cell phone ko.” “Umayos ka, bakit mo sisirain ‘yan sa taong mukha namang sira!” sulsol pa ng Tatay niya. “Tay naman, at least ‘pag nasira ‘to bibilhan mo pa din naman ako ng bago, e, ‘di ba Papa?” pag-iinarte pa niya sa Papa niya. Akala mo naman, kayganda! E, ‘di ikaw na! Ikaw na ang may Papa. Ikaw na ang binibilhan ng mga gusto mo. Ako kasi, utusan lang dito. Hihingi lang ng pambili ng napkin, ayaw pang magbigay. Masakit man sa puso ay sanay na ako do’n kahit na araw-araw na kumirot ang puso ko. Sanay na sanay na ito sa pamamanhid. Pagkatapos kong magluto ng almusal ay agad ko naming hinada sa mesa ang mainit na chorizo at itlog na sunny side-up at sinangag. Nauna silang kumain dahil sabay silang aalis at ako naman, bago pumasok sa school ay maliligo pa ako. Pagkatapos nilang kumain ay hihintayin ko pa ang baon ko kay Nanay. Pasikreto lang kasi siyang nagbibigay at ayaw ni Arnel na magbigay siya sa’kin nang malaki. Pagkaalis nila ay agad naman akong nagbihis at nag-ayos. Kumain at naghugas muna ng pinagkainan bago umalis. Araw-araw din akong late kasi nga public servant muna bago maging student. “Nak, pasensya ka na, ha? Tres pesos lang talaga laman ng bulsa ko, e,” naawang binigay ni Nanay ang tatlong pisong sukli sa bulsa niya. “Hindi kasi nag-iwan si Arnel ng pera,” dagdag pa niya. “Okay lang ho, ‘Nay, makakabili na din ako ng ice tubig nito,” sagot ko pa. Pero hindi mapigilang kumirot ang dibdib ko at niyakap siyang nagsisilabasan ang mga luha sa mata ko. At agad na umalis habang umiiyak. Ano ba ‘tong sitwasyon namin. Para kaming mga alila na pilit na kinakawawa nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.9K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
454.0K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

The Sex Web

read
133.5K
bc

Billionaire's Twins

read
263.7K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook