Stephanie POV... "Wow lang huh timing namang susugod ang Dark kingdom." sabi ko nasa gilid ako nakaupo nagpanik na ang mga tao. Di ako sanay sa damit na ito ang taas di ako makakalaban nito. Napatingin ako sa kwintas ko. "Red, may damit ka ba diyan?" Tanong ko 'Naintindihan ko po, Princess." Isang iglap umiba ang damit ko na kinangiti ko. Pagtingin ko nakipag away na ang elementalist. "Hahaha Hindi pa pala dumarating ang inaasahan kong bisita ang future fire princess." sabi ng dark king at ang mga elementalist hingal na hingal. Pati ba naman dito ako ang habol? "Diba ikaw naman ang future fire princess tulungan mo ang lolo mo." sabi ng babae sa babae maldita sa gilid ko yung kaaway ko sa market. "Ah eh......" tinulak siya nung isa kaya napapunta siya sa labanan. At napatingin nama

