“OKAY. Have you bring some requirements?” tanong ni Franco na siya bumasag sa katahimikan.
Ibinalik ni Coleen ang tingin kay Franco. Pagkuwan ay iniabot niya rito ang naka-folder niyang resume kasama ang sketch ng design niya at tablet gadget kung saan niya nai-save ang digital design. Hindi na tiningnan ni Franco ang resume niya. Una nitong tiningnan ang digital design niya. Kinakabahan siya habang hinihintay ang komento nito.
“Okay naman ang designs mo pero siguro konting improve pa sa spacing at color. Medyo dull kasing tingnan at para sa akin medyo old fashioned ang design. Pero puwede na ito. There’s always room for improvement naman, eh. Sa physical sketch, okay sa akin,” komento ni Franco.
Inaasahan na niya ang komento nito. At least hindi harsh ang komento nito the way na madi-discourage siya.
“Thank you. What about my resume?” aniya.
Matamang tumitig sa kanya ang binata. Deretsong tumitig din siya sa mga mata nitong malagkit kung tumitig. Awtomatikong bumaba ang tingin niya sa kissable lips nito. Sandaling kinagat nito ang ibabang labi nito.
Sanay na siyang nakaka-encounter ng mga guwapong lalaki at hunk pero hindi naman siya mabilis naa-attract. Kung tutuusin ay maraming mas guwapo kaysa kay Franco sa modeling industry. But she admitted that Franco has seductive look. Every time she saw him even accidentally, his appearance was really attractive.
Nabanggit sa kanya minsan ni Farlie na pinag-aagawan ng ilang movie producer si Franco dahil sa natural acting skill nito. Pero mukhang walang interes sa pag-aartista ang binata. Iniisip niya kung ano ang mga posibleng dahilan.
Nabaling ang tingin ni Coleen sa mga kamay ni Franco na pinagsupling nito. He took a deep breath and bit his lower lip again. She felt something hot element ran toward her innermost, awakening her unexpected lust. It’s awkward to remember the fact about his lips that her first kiss had owned those lips. She bit her lower lip quickly as she responded to him. So lustful idea. She shook her head just to set her mind to normal.
Ano ba ang ginagawa mo, Coleen? Sita ng kontrabida niyang isip.
Iniisip na lang niya na normal lang iyon sa isang babae na nakakasalamuha ng seductive na lalaki. His smirk turned her mind back in reality. Ngumiti na lamang siya.
“Honestly, I hate reading resumes. I prefer for a personal interview,” wika nito pagkuwan.
“Okay,” sabi lang niya.
“The first thing I wanted to ask and to know is about your reasons why you need extra income or a job. I think your job was enough to sustain your or your family's needs. Wala ka pa namang sariling pamilya,” he said with ironic smile on his lips.
“Gusto ko lang ma-secure ang future ko. Of course, we both know that modeling and showbiz are not lifetime job. Honestly, sometimes my income in modeling was not enough. I’m breadwinner of my family. Ako ang sumusuporta sa tatlong kapatid ko na nag-aaral at dalawa sa kanila ay college na. Ang isa ay nag-aaral ng medisina at education naman ang isa. Ang nanay ko ay nagkaroon ng stroke at paralisado na. Pabalik-balik siya sa ospital. Lahat ng expenses namin sa bahay ay kargo ko lahat. Siyempre, gusto ko ring makapag-invest ng house and lot at business. Malaki rin ang nagastos ko sa pag-aaral,” kuwento niya.
Namumungay ang mga mata ni Franco habang seryosong nakatitig at nakikinig sa kanya. Para bang ina-absorb talagang mabuti ng utak nito ang sinasabi niya.
“I admire your personality, Coleen. Kahit anak ka sa labas ng nanay mo ay hindi mo pinabayaan ang mga kapatid mo. Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan mo and I understand why you chose to inter the showbiz. So, ilang taon ka na ngayon?” anang binata.
“I’m twenty-five years old now. Last month lang ako nag-birthday,” nakangiting sagot niya.
Nagtataka siya bakit parang alam nito ang bawat detalye ng buhay niya. Hindi naman lahat tungkol sa private life niya ay kumalat sa publiko. Hindi naman halata rito ang pagkahilig sa tsismis, not even stalking someone’s life.
“I know,” he agreed.
“You know what?” manghang untag niya.
“I know your birthday. I know because it was posted on f*******:,” he said in an uneasy tone.
Nangunot ang noo niya. Ang alam niya hindi siya nag-post ng birth day celebration niya sa f*******: account niya. Hindi rin niya inilagay ang eksaktong birth day niya. Binalewala na lang niya ang sinabi ni Franco.
“Anyway, let’s discuss your application,” pag-iiba ni Franco sa usapan.
Nai-focus niya ng tingin sa mukha ni Franco habang nagsasalita.
“Since you chose a part-time job, I’ll deal with a contract project with you. Most of our projects here are contract basis. We accept huge projects like housing, bridges, building, and even residential houses. Usually wala talaga akong residential interior designer dito. Meron kasi akong mga architects na magagaling din sa interior design,” wika nito.
Napaisip siya. Kaya pala walang hiring para sa interior designer. Pero bakit pa siya nito gustong i-hire?
Weird
“Okay, I understand,” aniya.
“About the salary, contract basis din. Pero once nag-present ka ng design at aprobado ng client, you will receive fifty percent of the payment, and the balance will be given after the project is done. Take note: you must participate in meetings regarding the project you were accepted for. Also, you are obligated to visit the ongoing project area or location. You have to open your connection always while the project is still ongoing. It’s for emergency purposes. I will give you an update if there are available projects. Pero magbigay ka rin ng maraming designs sa akin para in case na may nangangailangang kliyente ay may mai-presenta kaagad ako,” mahabang pahayag ni Franco.
“Okay.”
“So, may tanong ka pa ba?” anito.
“Uh, puwede ba akong pumili ng schedule sa pagbisita sa project area?”
“Yes. Pero kung hindi ka available sa mga petsang sasabihin ko, dapat abisohan mo ako nang maaga. Ayaw ko ng paimportante sa kompanya ko.” Ang himig nito ay tila nagiging bossy.
“Naintindihan ko. Salamat.”
“Okay. You’re hired. Just wait for my call.”
“Thank you.”
Tumitig siya sa kanang kamay ni Franco na nakalakad sa kanya. Kinamayan naman niya ito. Naibaling niya ang tingin sa nakangiting mukha nito. Pero na-distract siya nang maramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya na may katagalan, halos ayaw nitong bitawan ang kamay niya. Nahihiya naman siyang pangunahan ito sa pagbawi ng kamay.
Mamaya ay pinakawalan din nito ang kamay niya. “Uh, may sasakyan ka ba?” pagkuwan ay tanong nito.
“Wala. Nag-taxi lang ako,” tugon niya.
“Talaga? Mabuti walang nakakilala sa iyo sa labas.”
“Wala naman. Nakasuot naman ako ng sunglasses at binago ko ang makeup ko.”
“May pupuntahan ka pa ba pagkatapos dito?”
“Wala na. Uuwi muna ako. Mamayang gabi pa naman ang fashion show ko.”
“Hustle masyado ang pang-araw-araw mong buhay. Bakit hindi ka pa kumuha ng sasakyan?”
Ngumisi siya. “Masyadong mahal ang sasakyan at hindi naman talaga obligadong kailangan. Uunahin ko muna ang bahay. Ayaw ko ring umutang sa bangko. Sayang din ang interest. Nakakapagtiis pa naman akong bumiyahe araw-araw,” aniya.
“Magpapagawa ka ng bahay?” tanong nito.
“Oo. May nabili akong lote. Baka next year pa masisimulan. Kapos pa kasi ang budget ko.”
“Mayaman naman ang boyfriend mo. Hindi ba niya naisip magregalo ng kotse o house and lot sa ‘yo?” pilyong wika ni Franco.
Hindi niya napigil ang kanyang tawa. “Baka ma-bash na naman ako ng haters ko kapag tumanggap ako ng ganoon kalaking regalo mula kay Cedric,” sabi niya.
“Ma-pride ka rin, ah. Baka gusto mo ng second hand car. Toyota Innova and brand. Matagal ko na iyong kotse pero wala pang sira at mukhang bago pa. Ino-offer ko rin sa ‘yo ang free services ko as engineer. Bahala ka na sa materiales na gagawin sa bahay mo. Sagot ko na ang manpower.”
“Seryoso ka ba?” natatawang sabi niya.
“Of course I am. Puwedeng hulugan ang kotse, walang interest. Tungkol sa bahay mo, anytime puwede nating simulan. Magkano ba ang available budget mo para sa materyales?”
Bigla siyang na-excite sa offer ni Franco. Hindi naman masama kung tatanggapin niya ang alok nito.
“Magkano ba ang kotse?” tanong niya.
“Eight-hundred thousand na lang para sa ‘yo. No period of payment. Kahit twenty years to pay, okay lang.”
Natawa siya. Hindi pa naman siguro ito nababaliw. “Niloloko mo lang ata ako,” aniya.
“I’m not kidding, Coleen. Ako kasi ang nahihirapan sa sitwasyon mo. At least hindi kita inaalok ng libre, maliban sa serbisyo ko bilang engineer. Isipin mo na lang, it’s just part of friendship.”
“Ang bait mo namang kaibigan.”
“Yeah. I’m also a good lover.”
Napalis ang ngiti niya nang mag-sink in sa utak niya ang huling sinabi nito. Hindi niya ito matingnan nang deretso sa mga mata.
“Take it or leave it, Coleen. If you take it, you can drive your own car later,” Franco said aggressively.
Na-excite siya nang husto. Sakto dahil natuto siyang mag-drive noong nasa Singapore siya. Meron na rin siyang student driver license. Konting push na lang ay magkakaroon siya ng professional license.
“Paano naman ang down payment? Wala akong dalang malaking cash,” aniya pagkuwan.
“To be followed na lang. O puwede mo ring ibigay sa akin kapag nagkita tayo sa Calla studio.”
Bumuntong-hininga siya. Iga-grab niya ang oportunidad. Hindi naman niya iyon ikakamatay.
“Sige basta seryoso ka,” sabi niya.
“Of course I’m serious. Eh ikaw, sure ka na ba?” paniniguro nito.
Tumango siya.
“Good. What about your house?” masiglang tanong nito. Nasaksihan niya ang pagningning ng mga mata nito.
“Sa palagay ko hindi pa sapat ang pundo ko. Two story house kasi ang gusto ko at mayroong apat na kuwarto at dalawang banyo at toilet. Mga dalawa hanggang tatlong milyon ang kakaining pera. Wala pang isang milyon ang naipon ko,” tugon niya.
“That’s not a problem. May mga on-going projects ka naman at siguradong kikita ka ng malaki sa pag-aartista. Titiyakin ko rin na makakapagsimula ka sa kompanya ko. Ako na ang bahalang mag-budget ng pera mo para masimulan na ang construction. Hindi naman ito madalian at contract bases so puwedeng paunti-unti para hindi rin mabigat sa bulsa mo.”
“Paano naman ang oras mo? Mananakaw ko ang oras mo na dapat ay naka-focus sa malalaking project.”
“Don’t mind me. I can manage my time. Remember, I’m the boss of my own company.”
“What about your schedule in modeling and product endorsement? Kaya pa ba ng oras mo?”
“Freelancer lang ako at hindi na ako tumatanggap ng malalaking project, unless kung bigla tayong magkaroon ng malaking project together. Papatusin ko talaga,” pilyong wika nito.
Hindi niya alam kung matatawa o maiilang siya. Pero ang sinabi nito ay pumukaw ng panibagong emosyon sa puso niya. Bigla niyang na-miss na makatrabaho si Franco.
“Mapagbiro ka rin, ah. Sige, pag-iisipan ko ang tungkol sa bahay. Sasabihin ko rin sa ‘yo kaagad kapag nakapagdesisyon na ako,” aniya.
“Okay. Take your time. Pero ang kotse, makukuha mo kaagad. Puwede kang sumama sa akin sa bahay ko ngayon.”
“Ngayon na ba?” manghang untag niya.
“Yes, ngayon. Ipapahirap ko rin sa ‘yo ang driver ko para maiuwi mo kaagad ang kotse. May driver’s license ka na ba?”
“Student pa lang, eh.”
“No problem. May kilala akong nagtatrabaho sa LTO. Matutulungan ka niya sa pag-process ng driver’s license. So, shall we go?” anito saka tumayo.
“Teka, may trabaho ka pa,” apila niya.
“I’m the boss, aalis ako kung kailan ko gusto. Let’s go.”
Hindi na siya komontra. Tumayo na lamang siya at kinuha ang kanyang gamit. Pagkuwan ay sumunod siya kay Franco.
NAMANGHA si Coleen nang makarating sila sa bagong gawa umanong bahay ni Franco sa isang subdivision sa Fairview. Ang laki ng bahay nito na mayroong dalawang palapag.
“Ang laki naman ng bahay mo at lote,” aniya habang kasabay niyang naglalakad si Franco patungo sa backyard garage. Doon daw kasi nakaparada ang lumang kotse nito na ibinibenta sa kanya. Ops! Hindi pala ibebenta, ipapautang.
“Actually katatapos lang nito last month. Eight-hundred square metters ang lote. Isa lang ito sa bagong investment ko mula sa perang kinita ko sa modeling. Mag-isa lang ako rito. Ang parents ko ay nakatira sa family house namin. Pero minsan, dito sila natutulog. And driver kong si Anton ay stay-in pala rito at every weekend ang uwi niya,” kuwento nito.
“Ang dami mo nang investment. Hindi ba meron ka pang condo unit?”
“Yap. Actually dalawa na. So, here’s the car,” anito at hinablot ang telang nakatakip sa kotse.
Napamata siya. Hindi halatang luma na ang kotse. Gusto niya ang kulay nitong bloody red. Parang brand new lang. Walang kaguhit-guhit ang makinang na katawan ng kotse. Parang hindi pang eight-hundred thousand.
“Hindi kaya masyadong mura ang price mo?” nag-aalangang sabi niya.
“It doesn’t matter. Kaysa naman mabulok lang ang kotse rito. Nakipag-deal ka na so walang urungan. Huwag kang mag-alala, kompleto ang papeles nito at hindi pa expire. Tutulungan na lang kita sa pagpapalipat ng pangalan. You can try the engine. Do you know how to start it?”
Tumango siya. Ibinigay nito sa kanya ang susi. Excited na siyang mag-drive. Walang problema sa makina dahil madali niya itong napaandar. Mukhang alaga ito kahit hindi palaging ginagamit. Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari lahat ng iyon sa kanya sa ilang oras lang na nakipagkita siya kay Franco. Para itong gene, na sa isang iglap ay natupad ang mga pangarap niya. Parang ayaw na niyang bumaba ng sasakyan. Mabango pa sa loob.
“Ano, okay ka na ba riyan? Kung ayaw mo, may isa pa akong iaalok, mas mahal lang,” sabi ni Franco habang nakadungaw sa bintana.
“Okay na ito. Salamat,” aniya saka pinatay ang makina.
Pinagbuksan pa siya nito ng pinto. Tumalilis na siya.
“So, before we proceed to the next step, let’s have some snacks first,” sabi nito.
Sumunod lang siya rito hanggang sa malawak na bulwagan ng bahay. Moderno ang desinyo ng bahay at obvious na mamahalin ang kagamitan. Iniwan siya ni Franco sa salas. Umupo naman siya sa korting buwan na couch. Hindi mapakali ang paningin niya. Gawa sa makapal na crystal ang spiral na hagdan na nagdudugtong sa ikalawang palapag. Napakataas din ng kisame na may nakasabit na eleganteng chandelier.
Naisip niya. Nakapayaman na ni Franco. Kung tutuusin ay hindi na nito kailangan ng extra income mula sa pagmomodelo. Nabanggit din sa kanya minsan ni Farlie na minsan nang nabanggit ni Franco na aalis na ito sa pagmomodelo pero biglang nagbago ang isip ng binata. Baka talagang passion din nito ang modeling.
Pagbalik ni Franco ay may dala na itong dalawang baso ng red juice at dalawang naka-platitong sliced ube cake. Inilapag nito ang pagkain sa center table sa tapat niya. Pagkuwan ay lumuklok ito sa katapat niyang couch.
“Let’s eat first,” yaya nito.
Kinuha naman niya ang tinidor at kumuha ng kaunting cake at isinubo. Masyadong makapal ang frosting ng cake. Dinilaan niya ang naiwang frosting sa ibabang labi niya.
“Hindi ka ba nababagot na mag-isang nakatira sa malaking bahay na ito?” tanong niya sa binata.
Nagtataka siya bakit hindi sumasagot si Franco. Sumubo ulit siya ng cake. Nang hindi pa rin ito nagsasalita ay naibaling niya ang tingin dito. Natigilan siya nang mamalayang titig na titig sa kanya ang binata. He look craving for something. She’s obviously straring at the movement of his Adam’s apple while it moves up and down. It seemed like he’s swallowing something hard.
Kumislot ito at biglang dumukot ng tissue paper. Walang abog na pinahid nito ang anumang nakita nito sa labi niya. May kung anong hindi maipaliwanag na sensasyong umahon mula sa kaibuturan niya. She can’t even control her pulse. It pumped three times fast like she had done running fifty kilometers long.
Nahulog pa ang tissue paper sa gawi ng dibdib niya at hindi niya inaasahan na kukunin pa rin iyon ni Franco. She felt his warm skin touched her upper breast. Masyadong malusog ang dibdib niya kaya halos puputok ang fitted blouse na suot niya. Nahubad na kasi niya ang kanyang blazer dahil naiinitan siya. Parang wala lang iyon sa binata.
Bumalik ito sa puwesto nito at sumimsim ng inumin. So awkward.