PARANG hindi pa rin makapaniwala si Matthew sa mga nangyari at sobrang bilis pa rin ng t***k ng puso niya habang magkatabi at magkayakap sila ni Thalia sa ibabaw ng kama. Halos kalahating oras na ang lumipas buhat nang magtapat siya ng nararamdaman sa dalaga at nang pumayag ito sa alok niyang kasal pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin humuhupa ang malakas at mabilis na t***k ng puso niya. Damn! He's really inlove with her, deep and hard. Hindi inaasahan ni Matthew ang mga nangyari at hindi kasama sa plano niya ang magtapat ng nararamdaman niya kay Thalia lalo na ang alukin ito ng kasal nang gabing iyon pero hindi na niya napigilan ang sarili nang magkaroon siya ng pagkakataon kaya sinamantala na niya 'yon. Kahit ang angkinin ito ay wala sa plano niya pero hindi rin niya napig