HINDI napigilan ni Thalia ang hindi mamangha nang makapasok siya sa silid na dating tinutuluyan niya. Ibang-iba na iyon kumpara noong doon pa siya natutulog. At pakiramdam niya ay para na siyang nasa isang silid-aralan habang nililibot niya ng paningin ang kabuuan ng kuwarto. "Ito ang magiging study room mo. Dito ka tuturuan ng magiging tutor mo," wika ni Matthew na kasalukuyang nakatayo sa kanyang likuran. Dinala siya roon ng binata dahil may sorpresa raw ito sa kanya at totoong nasorpresa siya sa ipinakita nito. Wala sina Warren at Darren dahil umalis ang mga ito pagkatapos nilang kumain ng almusal. "Study room? Tutor?" kunot-noong tanong ni Thalia sa binata. "May kinuha akong tao na magtuturo sa 'yo. Dito ka sa kuwartong ito mag-aaral," sagot ni Matthew dahilan para saglit na matigil