“GOOD thing you are home,” si Tina iyon na nasaktuhan ni Conrad na pababa ng grand staircase ang kanyang ina. “Nag-usap lang kami ni Monica, Ma,” aniyang nakangiting hinalikan sa pisngi si Tina pagkatapos. Agad na napansin ni Conrad ang pag-asim ng mukha ng kanyang ina matapos niyang banggitin ang pangalan ni Monica. “Hey, Ma,” aniyang mahigpit itong niyakap pagkatapos. “Anong nangyari sa iyo at bakit parang okay ka na? Samantalang noong isang gabi eh parang kang batang hindi ko mapatahan sa kaiiyak?” ang nagtatakang tanong sa kanya ng kanyang ina. Noon iginiya ni Conrad paupo sa mahabang sofa sa kanilang sala ang kanyang ina. Pagkatapos ay sinimulan na niya ang pagpapaliwanag rito. “Nagkasundo na kami ni Monica, ma. Nagusap na kami at napagpasyahan namin na maging mabuting magkaib

