“SHAN, wake up...” marahang bulong ni Isaac at hinagod ang mabangong buhok ng dalaga. “I need to go... but before I leave, I will order some food for your breakfast. What do you want?” Umungot lamang si Shania at mas lalong isiniksik ang hubad nitong katawan sa kanya. “I only want you...” “Oh, please, Shan. Stop that. You are making it so hard for me to leave,” natatawang wika ni Isaac at hinagod ang kanyang matangol na ilong sa makinis na pisngi nito. “Mag-iimpake pa ako para sa paglipad natin papuntang Davao tapos kikitain mo pa mga kaibigan mo.” Dahan-dahan na iminulat ni Shania at ngumiti sa kanya. “Excited ka rin, ano? Parang alas kuwatro pa lang ata.” “Nagjo-jogging kasi ako kapag umaga,” abiso ni Isaac at idinikit ang noo dito. “Hindi ako katulad mo na tamad.” “Tamad ba ang gum