“COME back here this instant, young lady!” utos ng kanyang ama para mapahinto si Shania sa paglalakad palayo. Matigas ang ekspresyon na nilingon ni Shania ang ama at nagkibit-balikat. “What?” “Why are you suddenly leaving?” tanong ng ama para mapangiti siya nang pagak. She tried herself not to scoff. “I don't know, Dad, Try asking yourself about that,” sarkastiko na wika ni Shania para manlisik ang mga mata ng ama habang ang ina ay napapikit at halatang nadismaya sa kanyang inasal. “Kailan ka pa nawalan ng galang?” tanong ng ama para mapabuga siya ng hangin. Taas-kilay na itinuro ni Shania ang sarili at hindi niya na napigilan ang pilit na pagtawa. “Are you really asking me that?” “Yes. I have every right to ask since I am your father,” mariing sagot ng ama para mas lalong tumigas an