“WHAT’S this?” tanong ni Hope para matigil siya sa pagbabasa ng magazine na mga naging karanasan ni Hope ang paksa. “A newspaper, obviously...” sarkastikong sagot ni Shania at ibinalik ang mga mata sa magazine at nagtuloy-tuloy magbasa. “Ganyan ka na ba outdated para hindi malaman kung ano ang bagay na ‘yan?” “I am not kidding with you, Shan,” saad ni Hope sa naaasar na boses at tiyak na pinangkitan siya ng mga mata. “Ang gusgusin mo pala noong bata ka, ano?” pang-aasar niya nang makita ang imahe nito sa magazine. “Huwag mong ibahin ang usapan! What is this? Why are you on the headline? Who are you with that time? Is this your boyfriend or just some kind of fling?” sunod-sunod na tanong ng kanyang pinsan na si Hope para mapapikit na lamang siya sa kinauupuan. Napangiti si Shania upang