PINAGMASDAN ko si Aleon na patakbo takbo sa malawak na sala ng mansyon. Hinahabol ito ni Aol na nagpapanggap na isang masamang bampira. Umiling ako sa nakita. Umaakingawngaw ang tawa nilang magama. Nilingon ko ang mga kasambahay na tahimik na nakamasid sa hari nilang tila walang pake sa mundo. Nang tumingin sila sa gawi ko ay agad silang nagiwas ng tingin. Nang dumating kami rito, gulat na gulat sila. Nanghingi ng tawad ang mayordoma ng bahay sa nangyari noong unang dating ko rito. We've been staying here for a week. Lahat sila ay nagkagulo. Mabilis ring naayos ang halos wala ng buhay na panlabas na anyo ng bahay. Ang hardin ay unti unti na ring naayos. Kulang na lang ay mamulaklak ang mga rosas. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Dahilan kung bakit tumingin sa akin si Aol. Tumaa