"Ano sa tingin mo, Aja?" tanong ni Raso sa kaibigan nang nakaalis ang dalawa. Wala naman kasi silang magawa kundi sundin ang magkasintahan lalo at walang kasiguraduhan ang kanilang kaligtasan oras na magpakita sila sa mga tao. Lalong-lalo sa mag-inang Kim Doham at Yeona. "Are you referring to Jang and Charlotte? Well, sa tingin ko ay sila ang nakatadhana. Masaya ako para sa kanila lalo at halatang mahal na mahal nila ang isa't isa. By the way, how did the two of you know each other? I mean you and that lady, Charlotte." balik-tanong ni Aja. Sa narinig ay napangiti si Raso. Nanumbalik sa kaniya kung paano sila nagkakilala sa paliparan ng Korea. "To make the story short, I met her when I traveled back in Germany two weeks ago. If I'm not mistaken noong nakaburol ang Mommy mo. Sa pakikip