"Why the hell--- Anong ginagawa mo rito?!" malakas at mariing tanong ni Kim nang napagsino ang basta na lamang sumuntok sa kaniya. Ang mortal niyang kaaway! Pero, teka lang! Ano ang nangyari? Bakit buhay ito samantalang ipinasigurado ng mga tauhan ng ina na namatay ito. "Huwag mong kalimutan, GAESAMUN KIM DOHAM! Iisang dugo ang nanalaytay sa ating dalawa. Ibig ay sabihin ay isa rin ako sa may-ari ng kumpanyang inangkin mo ng buong-buo! At ito ang tandaan mo, KIM DOHAM, simulan mo nang pagsisihan ang ginawa mong ito dahil hinukay mo ang sarili mong libingan!" Nagalit siya noong nagkita sila ng ama ngunit sa oras na iyon ay kulang ang salitang nagbabaga upang ilarawan siya. Nais niya itong paliparin sa kabilang buhay! Pero papatawarin muna niya ito sa pagkakataong iyon. Dahil mukhang wa