CHAPTER SEVEN

2307 Words
"Dios ko! Ano ba ang nangyari sa iyo, Geum? Bakit---" Kaso ang tanong na iyon ng binata ay hindi na natapos. Dahil pinutol na rin ng kaibigan. "P-parang awa mo na, Ku Un. I-itago mo ako dahil oras na malaman nila kung nasaan ako ay madadamay ka din. Hindi ako bubuhayin ni Mrs Gaesamun oras na malaman n'ya kung nasaan ako. Sa oras na ito ay nalaman na niyang wala ng tao sa bahay." Pagmamakaawa ni Geum sa kaibigan o mas tamang sabihin na nagmamahal sa kanya. Pero ayaw din niyang umasa ito kaya't simula pa noong siya ay napadpad sa Baekjung ay tinapat na niya itong hanggang pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay. Mabait at marespeto ito, inalok pa siya ng kasal at handang akuin ang anak niya subalit talagang hindi kaya ng konsensiya at damdamin niyang lukuhin ito. Kaya't simula't sapol ay wala siyang balak paasahin ito. Ngunit sa pagkakataong iyon ay ito ang maaasahan niya ng tulong. "Halika rito sa likod ko at sa loob ka na magpahinga. Hindi naman alam ng Mrs Gaesamun ang bahay ko. At isa pa ay hindi naman niya ako kilala. Kaya't ligtas ka rito, Geum." Nagbigay-daan naman si Ku Un sa kaibigan niyang wala na yatang suwerte sa lahat ng bagay. Kumbaga sa dami ay isinampay niya ang mga braso nito sa balikat niya saka walang pag-aalinlangang dinala sa loob ng bahay. Mag-isa lamang din siya sa buhay. Wala namang masama kung tulungan niya ito. Kaso hindi nalingid sa kaniyang natigilan ito. Kaya naman ay agad-agad niya itong tinanong. "May masakit ba, Geum? Sabihin mo kung may masakit sa iyo upang maagapan natin. Maayos na ang mga braso mo. Mabuti na lang at hindi napuruhan ang bones niya kaso baka lifetime nang hindi makapuwersa sa trabaho. Okay---" Kaso muli nitong pinutol ang naumpisahan niyang salita. "Huwag mo nang isipin iyon, Ku Un. Alam ko ang nais mong sabihin. Kung puwedi lang sanang madala sa pagamutan pero huwag na, Ku Un. Ayaw kong kahit ikaw ay madamay. May nais lamang akong ipakiusap sa iyo. Iyon ay ang hayaan mo akong manirahan dito hanggang gumaling ng husto ang sugat sa mga braso ko. Aalis din ako kapag kaya ko nang igalaw na mag-isa. Huwag kang mag-alala dahil babayaran---" Kaso kung pinutol nito ang pananalita niya ay ganoon din ang ginawa niya rito. "Geum, Geum. Huwag mo nang isipin ang kabayaran. Dahil ginagawa ko ito ng walang hinihintay na kapalit. Taos-puso ako kung tumutulong sa iba, ikaw pa kaya? Huwag ka nang lalayo baka mas mapahamak ka. Kahit dito ka na manirahan habang-buhay ay walang problema. Mas gugustuhin ko pang dito ka na dahil sigurado ako sa kaligtasan mo kaysa aalis ka. Siya nga pala, nasaan ang anak mo? Bakit ikaw lang ang nandito? Nasaan si Jang?" patanong niyang pahayag. "Wala na siya rito sa Baekjung. Sa oras na ito ay nasa piling na siya ng kaniyang ama. Siya lang naman ang habol ni Mrs Gaesamun kaya't pinaalis ko siya kahapon." Pang-aamin nito. "I'm sorry for asking, Geum. Pero tama ba ang hinala kong si senator Gaesamun ang ama niya? Okay lang kung ayaw mong sagutin ang tanong ko," aniya. Sa isipan ni Geum ay bakit pa ba siya magkakaila? Siya na rin ang nagsimula sa usapang iyon. Kaya't bakit siya magsisinungaling? Kaya't nagpakawala na lamang siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "Tama ka, Ku Un. Si senator Gaesamun ang ama ni Jang. Pero ito ay lihim sa kanilang dalawa. Ako, si officer Raso at ang yumao kong ama lamang ang nakakaalam. Ayos na sana ang pamumuhay naming mag-ina rito kahit hindi sila magkita habang-buhay. Kaso mas malala ang ugali mayroon ang batang Mrs Gaesamun kaysa sa ina ni senator. Sana nga lang hindi ako nagkamali sa aking desisyon na pinapunta si Jang sa kaniyang ama. Kahit ako na ang mawala sa mundong ibabaw huwag lang ang aking anak." Pagkukuwento niya. "Ngayon nauunawaan ko na ang lahat, Geum. Alam kong hindi basta-basta ang pinagmulan ni Jang lalo at bali-balita rito sa Baekjung kung gaano siya katalino. Sa murang edad niya ay master na niya ang paggamit ng mga armas. Masasabi kong martial arts expert siya. Ano ang pinag-usapan ninyo ni Jang? Babalikan ka ba niya rito o maninirahan na siya sa kaniyang ama?" anito. "Iyan ang usapan naming mag-ina. Pero may balak akong lisanin ang Baekjung. Upang muling makapagsimula ang aking anak sa piling ng tunay niyang pinagmulan. Ayokong maging sagabal sa pagkamit niya sa kaniyang pangarap. Kung manatili siya sa piling ko ay wala siyang mararating," muli niyang paliwanag. "Kung gusto mo ay tayong dalawa ang lalayo sa lugar na ito, Geum. Handa akong tulungan ka. Kung kaya mo rin---" Kaso ang pananalitang iyon ni Ku Un ay naudlot dahil sa katok mula sa pintuan. "Saglit lang at alamin ko kung sino ang kumakatok," anito sa halos hindi marinig na boses kaya't tumango na lamang din si Geum. "Sigurado ka bang dito nagtungo ang hinahanap namin?" Paniniguro ni Aja sa taong napagtanungan. "Yes, boss. Kitang-kita ko kung paano siya gumapang papunta dito," sagot nito. "Okay, salamat. Heto na ang ipinangako kung bayad. Maari mo na rin kaming iwan." Hinintay niyang mawala ito sa kaniyang paningin. Mahigit isang dekada na ang nakalipas simula nang inabandona niya ang kaniyang kasintahan. Wala siyang kaalam-alam na buntis na pala ng panahong iyon. Ngayon hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan. Lalo at nasa siyudad ang bunga nang pagmamahalan nila. "Kakatok ka ba o ako na?" Pukaw ni officer Raso sa kaibigan nang napansing natigilan ito. Nauunawaan din naman niya ito kaya't hindi niya masisisi sa naging reaksyon. "Ako na, Raso," tugon nito pero ang boses ay halatang nangangamba. Then... He knocked the door for three consecutive. Pero dahil ilang sandali ang lumipas ay walang sumagot kaya't muli siyang kumatok kaso eksakto namang bumukas ito. "Magandang araw po. Sino po sila?" "Magandang araw din. Maari bang magtanong?" "Sige po. Ano ba iyon?" "Ayon sa aming source ay dito raw nagtungo ang nob---nandito raw si Buyeo Geum. Nandito kami upang sunduin siya." Kulang na lamang ay madulas siya sa salitang nobya. Mabuti na nga lang at agad niyang naagapan. Nagmahalan sila noon ngunit sa pag-abanduna niya rito ay wala na siyang karapatang tawagin itong nobya. Sa tanong ng hindi nakikilalang panauhin ay natigilan si Ku Un. Alam na niya ang tungkol sa pinagmulan ni Jang at kilala niya sa pangalan ang ama nito. Maaring napansin ng mga itong natigilan siya kaya't nagsalita ang isa. "Huwag kang mag-alala, Ginoo. Dahil hindi kami masamang tao. Actually, siya si Senator Gaesamun Aja at tauhan niya ako. Nasa piling na namin si Jang kaya't kung maari ay hayaan mo kaming makaharap si Geum." Pagitna ni officer Raso. Sa narinig ay agad napatingin si Senator Gaesamun sa kaibigan. Hangga't maari ay ayaw na ayaw niyang sinasabi nitong tauhan niya ito kundi kaibigan. Kaso napakataas ang respeto nito sa kaniya. Kaso! Ang hindi alam ng tatlong lalaki ay dinig na dinig iyon ni Geum. Wala siyang balak manggulo at mas lalong wala siyang maghabol sa ama ng anak niya. Ang mabigyan ito ng magandang bukas ay sapat na para sa kaniya. "Papasukin mo sila, Ku Un," aniya. Kaya't napalingon ito sa kaniya. Para bang naniniguro kung tama ang narinig. Tinanguan niya ito kaya't nagbigay-daan ito sa mga panauhin. Samantalang sa pagkarinig nina Mr Gaesamun at Officer Raso sa tinig na matagal na nilang hindi narinig ay nag-unahan silang lumapit. Akmang yayakap pa sana ang una pero agad ding itinaas ni Geum ang mga palad na may bandaid dulot ng pagkabaril. Ngunit inagapan ito ni Ku Un ng paunang lunas. "Huwag! Wala kahit sino sa inyo ang maaring yumakap sa akin maliban sa aking 'asawa'. Bilang respeto sa kaniya ay manatili kayo riyan at maupo kung gusto ninyo. Pinapasok ko lang kayo, senator, officer Raso dahil gusto kong wakasan ng maayos ang pinagsamahan natin mahigit isang dekada ang nakaraan." Panimula niya saka tumitig ng makahulugan sa tinawag na 'asawa'. "Pero, Geum, walang nabanggit si Jang tungkol sa pag-aasawa mo. Paano nangyaring mag-asawa kayong dalawa?" hindi makapaniwalang tanong ni officer Raso. "Bumalik na kayo sa siyudad dahil wala kayong lugar dito. Pero bago iyon nais kong sabihin sa inyong dalawa na dugong Buyeo-Gaesamun ang nananalaytay kay Jang. Kaya't bigyan n'yo siya ng magandang bukas. Huwag n'yo nang balakin pang babalik sa lugar na ito dahil lalayo na kami ng asawa ko. Ang magkaroon siya ng magandang bukas ay higit pa sa lubos, " pahayag niya saka muling tumingin sa 'asawa'. Bahagya namang tumango si Ku Un saka hinarap ang mga kapwa lalaki. Hindi siya manhid upang hindi malaman kung ano ang nais ipakahulugan ng babaeng pinakamamahal. "Mawalang-galang na, Senator, pero tama po ang sinabi ng asawa ko. Ganoon pa man pagbigyan ko kayong dalawang makapag-usap ng maayos. Doon muna kami sa labas upang makapag-usap kayo ng may privacy. Walang problema sa akin dahil kilala ko na siya. Nagkataon lamang siguro na hindi nasabi ni Jang." Humarap siya sa kasama ng senator. "Pasensiya ka na, Sir. Pero iyan na lamang din ang magagawa ko para sa kanila. Papayag man kayo o hindi ay lilisanin namin ang lugar na ito lalo at alam kong hindi titigil si Mrs Gaesamun hangga't hindi niya napapatay ang asawa ko." Dagdag niya saka naunang lumakad palabas. Bumaling si Officer Raso sa dalawang animo'y walang balak magsalita. "Wala akong maunawaan sa nangyayari, Geum. Ngunit irerespeto kita bilang Kuya at kaibigan mo. Marami pa akong gustong sabihin sa iyo pero alam kong mas marami kayong pag-uusapan. Kaya't sa ngayon ay kayo munang dalawa ang mag-usap," aniyang nakatingin kay Geum bago bumaling sa amo/ kaibigan. "Boss, doon muna kami sa labas. Huwag mo sanang baliwalain ang warnings namin dahil sa oras na ito ay sigurado akong alam na ng asawa mo na wala tayo sa city. At isipin mo rin sanang walang kasama ang anak mo sa bahay ko," wika niya saka tuluyang lumabas. Sari-saring emosyon ang lumulukob sa kaniya sa oras na iyon. Hindi niya alam kung paano at saan magsisimula. Sa loob ng labing-anim na taon simula noong huli silang nagkita ay napakarami na ang nagbago. Isa na roon ang pagkakaroon niya ng asawa't anak. Tuloy, hindi niya alam kung ano ang una niyang sasabihin sa ina ng panganay niyang anak na inabandona niya ng napakatagal na panahon. Then... "Alam kong marami kang nais sabihin, Aja at isa na ang paghingi mo ng kapatawaran. Pero ngayon pa lang pinapatawad na kita. Hindi ko sinasabing kalimutan mo na ako dahil hindi mababago ng ang katotohanang nagkaroon tayo ng sariling pamilya ang ating nakaraan lalo at may anak tayo. Pero kailangang harapin mo na ang tunay mong mundo dahil ganoon din ako. Ang masasabi ko lang din ay alagaan mo ang iyong sarili upang maalagaan mo si Jang," matapat na pahayag ni Geum. "Wala akong ibang masabi, Geum kundi I'm really sorry for everything. Hindi ko na isa-isahin ang mga kasalanan ko sa iyo basta ako ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa iyo. Maraming salamat sa pagpapalaki mo ng maayos sa anak natin. Tama ang maghiwalay tayo ng maayos ay sapat na upang mabawasan ang bigat sa aking dibdib. Huwag kang mag-alala dahil kahit hindi mo sabihin ay aalagaan ko si Jang. Ibibigay ko ang nararapat para sa kaniya. Isa lang ang iniisip ko ngayon. Ito ay kung paano niya tatanggaping hindi ka na niya makikita pang muli. Kayong dalawa ang magkasama simula noong siya ay bata pa kaya't alam kong mahihirapan siyang tanggapin ito. Hangad ko rin ang kaligayahan ninyong mag-asawa. Kung sakali mang magbago ang isip n'yong dalawa at kailanganin ang tulong ko ay huwag sana kayong mag-alinlangang lumapit sa akin," mahaba-habang pahayag ni Aja. Sa pagbigkas niya sa mga salitang binitawan ay ramdam na ramdam niya ang paggaan ng kaniyang damdamin. Pakiramdam niya ay natanggal ang maraming bato na nakapatong sa kanyang dibdib. Sa narinig ay napangiti na rin si Geum. Ngiting bihira lang masilayan sa kaniyang mukha simula nang napadpad siya sa Baekjung. Pero sa oras na iyon ay ngiting may senseridad. "Salamat, Aja. Sige na lisanin n'yo na ni officer Raso ang Baekjung. Hug and kisses to our son. Panahon ang makapagsasabi kung magkikita pa kaming muli o hindi na. God will bless you both, Aja," she answered sincerely. Hindi na nga nagtagal ang dalawa sa Baekjung. Nang natapos ang pag-uusap nina Aja at Geum ay bumalik na sila sa siyudad. Hindi man lang nagkaroon ng oras si officer Raso na kausapin ang kapatid niya! And yes! Buyeo Geum was his only sister but nobody knows except him and his late mother. According to his mother, she's carrying him already when they moved to Germany and his father was left behind in Korea where he met the mother of his sister, Buyeo Geum. The blood that flowing to their veins is just the same. Their father is only one and the Buyeo blood is with them. Samantala, dahil sa pagod at puyat ay hindi na niya naisip ang gutom niya. Pagpasok pa lamang niya sa kuwartong pinaghatiran sa kaniya ni officer Raso ay ang pagligo at pagpalit lamang ng damit ang nagawa niya. Napasarap ang tulog niya. Naalimpungatan na lamang siya nang makarinig siya ng kaluskos sa paligid. "Huh! Gabi na pala! Kung ganoon ay maghapon akong natulog," aniya sarili. Ngunit agad-agad napaupo dahil sa kaluskos. Ilang sandali rin ang pinalipas niya bago tumayo upang magluluto sana ng makakain niya kaso hindi pa niya nahahawakan ang doorknob ay napatigil na siya. Ang kaluskos ay naging maliwanag na pag-uusap. "Diyos ko! Sana si Sir Raso na iyan. Iligtas mo po ako, Ama," bulong niya. Dahil sa kaluskos at pag-uusap na narinig niya ay hindi niya alam kung bubuksan o hindi ang pintuan upang alamin kung sino-sino ang nasa labas. O manatili sa kuwartong inukupa niya o magtatago sa mga cabinet sa loob ng kuwarto o magtago sa banyo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD