Napakasaya ko sa araw na ito at hindi lang ako dahil ganoon din ang nararamdamang tuwa ng pinsan. Masaya kami dahil sa wakas ay dumating na ang pinakahinihintay namin ni Hydee. Dumating na si Nanay at Shawn galing sa probinsya. Napamaang na lang kami nang makita naming nakangiti ang dalawa nang palabas na kami sa bahay. Matagal bago kami makabawi sa aming naging reaksyon at pagkatapos ay kaagad naming sinalubong nang yakap si Nanay. Kaya lang ay medyo nakakalungkot lang dahil wala kaming sapat na oras para ibigay kay Nanay at Shawn dahil kailangan na naming umalis ni Hydee para pumasok sa trabaho. "Ano ba kayo?! Huwag niyo nga kaming intindihin dahil pagkaalis niyo ay maghahanap din kami ni Shawn ng bahay na matutuluyan natin." "Nay, magpahinga muna kayo. Kakarating niyo lang