"Boyfriend?" 'di makapaniwala na tanong ni Shawn sa akin at bigla na lang nagsalita mula sa aking likuran. "Nagbo-boyfriend ka na?" seryoso niyang tanong at halatang wala siya sa kaniyang huwisyo. "Ah, umupo muna kayo," alok sa amin ni Nanay. "Aasikasuhin ko muna ang mga customer saglit," paalam ni nanay sa amin at wala ng nagawa pa si Shawn kundi sumunod kay nanay. Magaling si nanay makiramdam kaya ginawa niya iyon para hindi na tumaas ang usapan. "Tikman mo muna ang luto ni nanay." Tumayo ako at kumuha ako ng isang bowl para may malagyan ako sa bulalo. Pagkatapos ay nilapag ko ang pagkain sa mesa mula sa hawak kong tray. Sinamahan ko na rin iyon ng kanin para hindi na niya kailangan pang maghanap ng makakain mamaya pag-uwi niya sa bahay nila. Hindi niya pa ako nadadala sa lug