Kung kanina ay sinikap kong maging malakas para kay Kiran. Ngayon naman ay unti-unti na akong naging malamya. Nanghihina na ang katawan ko sa pagod at unti-unti na akong hinihila ng antok. Ilang minuto ko na ring tiniis na dumilat dahil sa pag-aalala ko kay Kiran. Nahihilo na rin ako kanina pa pero tiniis ko dahil alam kong kailan kong alagaan ang aking kasintahan. Sa dalawang oras na byahe sa daan ay hindi pa rin kami nakauwi sa amin. Hindi pa nga yata kami nakapangalahati sa destinasyon namin. Napagtanto ko na malayo ang lugar na ito mula sa amin. Masyadong madilim ang daan dahil walang ang layo ng pagitan ng mga poste ng mga ilaw. Ang pangit pa ng kalsada dahil lubak-lubak kaya hindi makabwelo sa pagmamaneho nang mabilis si Shawn. Gusto ko siyang utusan na lakasan an