Nanghihina na ako ngayon kahit na isang araw pa lamang ang lumilipas. Siguro ay dahil hindi ako kumakain at lalo lamang akong nauubusan nang lakas sa paulit-ulit na alaala na lumilitaw sa aking isipan. Dahil sa salaming nandito ngayon sa kwartong kinaroroonan ko ay nasagot na ang lahat ng mga katanungan ko. Pakiramdam ko ay buong-buo na ako ngayon. Ngunit dapat sana ay maging masaya ako. Ngunit kabaliktaran ang nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako lalo pa at nasaksihan ko ang nangyari sa kanila. Gusto kong humagolhol nang iyak hanggang sa mawalan ako ng malay para kahit papaano ay makalimutan ko man lang ang sakit. Ang babaeng tumatawag sa pangalan ko noon palagi at ang lalaking nagpakilalang ama ko sa aking panaginip ay ang mga magulang ko. Tumulo ang mga luha ko sa akin