Hinatid ako ni Kiran bago pa man magising ang aking pinsan na si Hydee. Papauwi pa lang kami ay kinakabahan na ako ng sobra. Walang kaalaman-alam si Hydee na lumabas ako kagabi. Kaya natatakot akong mahuli na parang isang kriminal. Pagdating ko pa lang sa tapat ng kwarto ay kinakabahan na akong buksan ang pinto. Natatakot ako na baka kapag binuksan ko ang pintuan ay gising na pala si Hydee at naghahanda na ng mga isang dosenang tanong para sa akin. Dahan-dahan kong pinihit ang siradora at ang mga hakbang ng aking paa ay kasing hina ng pagong. Sinilip ko ang aking kalahating mukha at nakahinga lang ako nang maayos nang matanaw ko si Hydee na hanggang ngayon ay tulog mantika pa rin sa kaniyang kama. Dahan-dahan akong lumapit sa kama ko at umupo sa gilid para pakalmahin ang ak