KABANATA 18

2038 Words

KASALUKUYAN akong nagdi-dinner mag-isa sa dining room nang makabalik si Azelio ng mansyon. Sinabayan naman ako nito sa pagkain at nilagyan pa ng plato ang pagkain ko, gusto pa ng ako subuan dahil baka raw mapaano pa ang braso ko, pero tumanggi ako at sinabing kaya ko naman. Ngayon ay nasa loob na ako ng bathroom, katatapos ko lang mag-toothbrush at ngayo'y nakatitig na sa sarili ko sa salamin habang iniisip ang magiging plano ko mamaya. Kinakabahan ako sa totoo lang. Paniguradong magaling si Azelio sa pakikipaglaban at posibleng matalo ako lalo na't hindi ako makalaban ng maayos dahil may tama ako sa braso. Pero hindi ako puwedeng mag-aksaya ng oras, kailangan kong tapusin sa gabing ito ang kanyang buhay para hindi na makapagbigay pa ng malas sa akin. Matapos mag-isip ay lumabas na ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD