Nahirapan ako sa kanilang unang pagsugod sa akin; dose silang sabay na umatake at nasalo naman ng aking espada. Nahirapan ako dahil malakas sila, pero agad din akong nakawala at umiwas na lang muna sa kanilang mga atake dahil talagang napakabilis nila, konting maling galaw ko lang ay maaari kong ikamatay. Nang muli nila akong sugurin ng sabay ay mabilis kong ibinato ang aking isang espada, at tumusok ito sa buhangin. Mabilis na akong tumakbo pasalubong sa mga kalaban, pero saktong paglapit nila ay tumalon na ako at umapak sa aking nakatarak na espada sa buhangin sabay buwelyo, kaya para akong lumipad sa taas dahil sa impact ng pagsipa ko sa nakatarak na espada, tumamling ako sa taas at bumagsak ng upo sa balikat ng isang kalaban. “Sorry but you’re the first to die.” Pagkahawak ko sa ulo