NAPABALIKWAS ako ng bangon nang magising sa loob ng isang room. Nang mapatingin ako sa sarili ko ay nakasuot ako ng hospital gown na pang pasyente at naka-dextrose pa. Pero agad ko nang inalis ang pagkaka-dextrose sa kamay ko at mabilis na akong bumaba ng kama. Ngunit sa aking pagbaba ay siyang agad na pagbagsak ng mga paa ko dahil sa labis na panghihina. Saktong bumukas naman ang pinto nang bumagsak ako. “Hazel!” pagtawag sa pangalan ko ng pamilyar na boses at agad ako nitong dinaluhan. Tinulungan na ako nitong makatayo. Parang nagulat naman ako nang makita kung sino ito. “D-Drew.” “Hey, nanghihina ka pa, hindi ka dapat bumaba agad.” Inalalayan na ako nitong maupo sa kama. “D-Drew, ano’ng nangyari nasaan ako? Si Aze? Nasaan siya?” natataranta ko nang tanong. Bigla akong kinabahan at n