DUMAAN muna ako sa mansion ni Sir Charles para kunin ang kotse ko para iyon na lang ang sakyan, dahil hindi na rin naman ako kailangan pang magpanggap, mission complete na rin naman. Paumaga na na nang makabalik ako sa kastilyo ni Tredius. Mga bantay lang sa labas ang mga gising, pero pagpasok ko sa loob ng kastilyo ay wala nang ingay pa, tulog na tulog na ang mga katulong sa kanilang mga kuwarto. Dumiretso ako agad sa bedroom ni Tredius at agad na binuksan ang vault. Nang mabuksan ay agad kong kinuha ang mga files sa loob at mga flashdrive bago pinasok sa kotse ko para ma-secure agad. Hindi pa kasi ako puwedeng umalis dahil kailangan ko pang hintayin na magising ang anak ko. Ayoko naman bulabugin ang tulog nito, kaya mas pinili ko na lang maghintay. From Joaquin: Ayos na, madam. Abo na