AFTER our wedding ay sumama na ako sa pagbalik nila sa probinsiya at pansamantala kong iniwan ang trabaho. Dahil malapit na rin ang kapanganakan ko. "Welcome home!" Salubong ng pamilya ni Tatay Rod. "Salamat!" Masaya naming tugon sa kanila. "Nakahanda na hapunan." Masiglang sabi ni Nanay Aneth. "I miss you, Angeline!" Bati ko sa kaniya at nagyakapan kami. "I miss you too!" turan niya. "Halina kayo, Kaye." Yaya ni Mama Marlyn. "Sige po, Ma." Tugon ko at hinawakan ko naman ang kamay ni Martina at dumulog kami sa hapag-kainan. Maagap namang hinila ng aking asawa ang upuan para sa akin at kay Martina. Napagitnaan ako ng mag-ama. Bago kami nagsimulang kumain ay nagdasal muna kami at si Martina ang nag-lead sa prayer. "Ma, puwede bang ipasabay natin sila Nay Aneth?" Pakiusap ni Der