Pagdating ko sa condo, sinaksak ko sa charger ang aking phone at agad na tinawagan si Lola para makumusta sila ni Precia. Thirty minutes din kaming nag-usap bago ako magpaalam, para makapagpasa ng report kay boss. Ayaw na ayaw ko talaga iyong ganito na pinapadala ako out or town dahil na-mi-miss ko ang anak. Kung malakas nga lang sana si Lola at hindi mahihiluin sa biyahe, isasama ko silang dalawa para naman hindi ko nami-miss ang anak ko. Pagkatapos ma-submit ang report, nahiga ako. Dito lang ako sa sofa, pumuwesto. Nakabukas ang pintuan sa may balcony. Malakas ang hangin kaya malamig. Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. Hindi na ako nakapagpalit ng damit. Alas-onse ng gabi nang magising ako. Bumangon ako para maligo at makapagpalit na ng pantulog. Katatapos ko lang magba