Tuwang-tuwa si Precia sa mga box na dala ko pag-uwi. Heto at hindi na naman makapaghintay. Gusto ng pabuksan agad para makita ang laman nito. Groceries na imported ang laman. "Wow!" Dinampot na niya ang mga gusto niyang kainin. Takaw tingin lang naman siya. Titikman, tapos ayaw na. Naupo ako sa lapag. Wala pa din pala akong upuan dito sa sala. Kung bumili kaya ako? Para naman magandang tingnan itong bahay. May badget naman ako para rito, galing sa sarili kong pera. Tiningnan ko ang laman ng bag ko. Halos hindi pa nabawasan ang pera na binigay niya sa akin. Hindi naman ako gastador. Ang priority ko ay mag-ipon para sa future ng aking anak. Napairap ako nang mag-ring ang aking celphone. Tumatawag na naman siya. Kapag hindi makapaghintay ng reply, tatawag. I rejected it and typed