Sinabi ko kay Ine na mauna na lang silang umuwi ni Precia. Nag-book na din ako ng Grab para sa kanila. Mag-take out na lang ako ng pagkain para sa kanila. Tapos ng maglaro si Precia pero hindi pa kami tapos kumain Mr. Hottie. Susunod at bubuntot lang sa akin ang lalake at baka makita pa niya ang anak namin. Kamukha niya si Precia at kahit itanggi ko na hindi kaniya ang bata, hindi siya maniniwala sa akin. Nakonsensya ako kay Ine. Mabuti na lang at tapos na kaming mamili. "Salamat sa treat. Uuwi na din ako para makapagpahinga." Buti at hindi na niya ako pinigilan pa. "First day mo pala sa trabaho bukas. Goodluck." Tipid akong ngumiti. "Thanks." Bago ako tuluyang makaalis, hinalikan na naman niya ako. Bakit ba halik ito nang halik? At sa labi pa talaga! Nauna na akong umalis. P