Alas-dose na ng pumayag silang mauna na akong umuwi. Wala na sa aking katawan ang espiritu ng alak kaya makakauwi pa ako ng matino. Hindi na ulit ako nag-inom pa. At mukhang nakabuti naman iyong ginawa namin ni Mr. Hottie kanina sa restroom dahil pinawis ko lahat ang alak na nainom ko. "Enjoy kayo and ingat sa pag-uwi mamaya." Nag-iwan ako ng pera sa kanila. Sinobrahan ko na lang din, total sobra naman ang sinahod ko. Paglabas ko ng bar ay naglakad muna ako ng kaunti papuntang kalsada upang maghanap ng masasakyan. May mga lalakeng pumapansin sa akin pero nakatungo ang aking ulo at ni isang sulyap hindi ko sila ginawaran. Hanggang sa lapitan ako ng isang grupo ng mga lalake. Nakaramdam ako ng kaba, kaya nagmamadali akong naglakad. Pero sumunod pa din talaga sila. Hanggang sa may i