Ang Tadhana ni Narding Season 2 Ai_Tenshi Habang nasa ganoong pag alala ako ay bigla na lamang kumilos ang kamay ni Bart at mabilis na ibinagsak talim ng palakol sa aking katawan.. Ang lahat ay binalot na ng dilim.. Part 48: Digmaan Pansamatalang nawala ang aking ulirat at noong idilat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili na naka subsob pa rin sa malaking sangkalan habang ang palakol ay naka taga sa aking harapan. Nakikita ko ang aking repleksyon sa makintab nitong talim kaya naman marahan ako umatras. Laking pag tataka ko kung bakit at paano sumablay si Bart sa kanyang ginawang pag asinta sa aking leeg kaya naman muli akong napatingin dito. Napansin kong nag liliwanag ang kanyang balikat at kasabay nito ang pag gapang ng kakaibang kaliskis sa kanyan