INIS NA INIS SI TRISTAN dahil gabi na ay wala pa ring Carissa na nauwi. Nainis sa sarili dahil hindi naman lang ito napaliwanagan. Hindi niya kasi maiwan si Cherrylou kanina. She was so down at walang makausap. Kung nasa harap lang niya ang asawa nito ay baka napatay na niya. Noon pang una itong nagbuntis. Sinabihan na niyang hiwalayan ito pero ayaw nito na kesyo magkakaanak na sila ngayon. Pangatlong buntis na nito pero ganoon pa rin ang asawa. Masaklap ay hindi nito sinasabi sa ama. Kaya kung magsalita ang papa nito ay masaya na daw ito. Noong huli nilang usap ay gustong-gustong sabihin dito ang tunay na kalagayan ng anak sa asawa nito pero ayaw niyang pangunahan si Cherrylou. Nahuli na naman niyang may ibang babae ang asawa nito at dahil wala namang kaibigan dito sa Pinas ito ay siya