“KUNG bumisita ka rito para hintayin ang paghingi ko ng sorry, nagsayang ka lang ng oras at pagod, Solde," nang-uuyam na sabi ni Chelsey. Suot niya ang mukha na ipinakilala sa amin bilang Selina, pero kapansin-pansin ang pamumutla niya. May ilang pasa rin siya sa braso at ilang galos sa pisngi at leeg. Nakakakilabot isipin. Ilang araw pala namin siyang kasama sa iisang bubong. Noon ko naunawaan kung bakit sobrang higpit magbantay ni Rameses at pati na ang iba pang security personnel ng mansion. "Kahit kailan, hindi ko pagsisisihan ang mga ginawa ko dahil dapat lang ‘yon sa’yo. At oras na makalabas ako rito, asahan mo, Solde, babalikan ulit kita. Hindi ako papayag na maging masaya ka.” “Sa totoo lang, Chelsey, hindi rin ako umaasa ng paghingi mo ng tawad. Gusto lang kitang makita nang p
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


