6 months later… “SWEETHEART.” Nag-angat ako ng ulo nang pumasok si Ali ng kwarto. Isinarado ko ang librong binabasa. Hindi ko napigilang mapangiti nang makita kung ano ang dala niya. “O, ano yan?” amused na tanong ko kahit alam ko naman ang tawag sa mga prutas na ‘yon. Naupo si Ali sa sofa sa aking tabi. Awtomatikong dumapo ang isang kamay niya sa tiyan ko. “Kumusta, mga anak? Nandito na si Tatay." Napangiti ako lalo. "Ano 'yang dala mo? Saan ka nakabili?" "Napadaan ako sa mga nagtitinda ng prutas habang pauwi. Bumaba ako at nagtanong kung meron sila. Mabuti at nakabili ako. Limang piraso na nga lang.” I giggled. Hinawakan ko siya sa mukha at kinintalan ng halik sa mga labi. “Gusto ko lang ipaalala sa’yo na hindi na ako naglilihi. Nasa last trimester na nga kami nitong triplets.”

