DUMATING si Xavi dalawang oras pagkatapos naming mag-usap sa cellphone. I was all set at doon ko na rin siya hinintay sa labas ng gate ko. Tamang-tama naman na nasa loob na rin ang teacher ni Alfonso habang si Harlene ay busy na sa gawaing-bahay. Hindi ko kinailangang mag-alala na may makakitang sumakay ako sa kotse ni Xavi. Pasado alas dies nang masapit namin ang exclusive school na panlalake. Tama si Jordan. Malapit lang ito sa amin. It’s actually fifteen to twenty minute-ride from our village. Maganda ang location dahil isang malaking kolehiyo ang kahanay nito. Sa tapat ay isang private hospital na may katabing cafeteria at may malapit din na police station. Bago tumungo roon ay nakapag-research na rin ako from the internet ng ilang impormasyon tungkol sa eskwelahan. It's their four