Kabanata 3

2889 Words
TUMINGIN ako sa paligid ng memorial park. Those were the saddest moments in my life. Nang mamatay si Alistaire, parang namatay na rin ako. I knew I was hurting, pero hindi ako nadaing. Doon ko naranasan na hindi makaramdam ng kahit ano-gutom, antok o anupaman. Hindi na ako makaiyak. Wala akong kibo. Ayokong makakita ng tao. Everything was dull and lifeless. Parang hindi nagpapalit ang oras at tila huminto na ang pag ikot ng mundo sa buhay ko. Matinding depresyon ang pinagdaanan ko pagkatapos na mailibing si Alistaire. Bukod doon ay halos gabi-gabi kong napapanaginipan ang mga nangyari sa kaniya na parang nasaksihan ko mismo ang mga iyon - ang pagkahulog ng sasakyan niya sa bangin. Ang pagsabog. At ang sunog na bangkay. Walang kapahingahan ang isip ko hanggang sa halos bumigay na ang aking katinuan. My family sought for professional help and had me undergo therapy. Unti-unting bumuti ang lagay ko sa pagdaan ng mga araw. Pagkatapos ay isang magandang balita pa ang dumating - natagpuan na si Alfonso. Nakatulong nang malaki na makita ko ulit ang aking anak at dahil doon ay nagtuloy-tuloy na ang paggaling ko. Natutunan kong tanggapin ang mga nangyaring trahedya sa aking buhay. Natutunan ko ring harapin ang katotohanang wala na sina Alonzo at Alistaire at ang tanging pwede kong gawin ay magpatuloy- mas matatag at mas matapang para kay Alfonso. Pinahid ko ang luha sa aking mga pisngi. Ilang minuto pa ang pinalipas ko para pakalmahin nang lubos ang aking dibdib. Alas dies na at karaniwan na sa akin na inaabot ng isa hanggang dalawang oras sa tuwing bibisita roon. Ito na lang kasi ang magagawa ko para makasama ang aking mag-ama. Tumayo na ako at pinagpag ang laylayan ng suot kong dress. Minsan ko pa ulit tiningnan ang mga puntod at pagkatapos ay bumalik na ako sa aking sasakyan at nagmaneho palabas ng memorial park. My interview didn’t last for more than twenty minutes. Pagkatapos doon ay dumirecho na ako sa registrar at nag-fill out ng enrolment form. Nagbigay na rin ako ng down payment para sa certificate program na pinili ko. Bumili na rin ako ng uniform, knife kit at nagbayad ng iba pang miscellaneous fees. Bago naman ako umuwi ng bahay ay nag-grocery na rin ako. Pinili ko ang pangunahing kailangan at ilang kulang na stocks. Namili rin ako ng mga paborito ni Alfonso na tinapay at healthy drinks. Pagkabayad sa counter ay lumabas na ako. Isang staff ng grocery ang naghatid sa akin hanggang sa parking lot at tumulong na ilagay ang aking mga pinamili sa trunk ng sasakyan. Nakasakay na ako at kasalukuyang nagkakabit ng seatbelt nang mahagip ng paningin ko ang paglabas ng isang matangkad na lalake mula sa nakaparadang kotse sa harap ng isang commercial building. My heart pounded my chest as I saw his familiar side view. “A-Ali?” ang agad na nasambit ko. Subalit sinaway ko rin ang aking sarili. Baka namamalikmata lang ako. Pero nang lumingon nang isang beses ang lalake sa aking direksiyon ay saka ko lang napatunayan na totoo ang aking nakikita. Namilog lalo ang mga mata ko. Nakita kong naglakad ito patungo sa gusali at umakyat ng hagdan. I know that it’s foolish to think that the man is Alistaire. Maybe he just bear some resemblance to my late husband o baka dahil sobra kong nami-miss si Ali kaya nakikita ko siya sa ibang tao. But for some reason, I just want to be sure. Hindi ako matatahimik lang basta at didirecho ng uwi nang hindi ko ulit nakikita ang lalake. Kaya dali-dali akong lumabas ng kotse upang sundan ang lalakeng aking nakita. Umakyat din ako ng hagdan ng gusali at sinubukang hanapin kung saan nagpunta ang lalake. Isang pinto sa kanan ng pasilyo ang bahagya nang naisara ang nadaanan ko. Naisip ko agad na baka roon pumasok ang lalake. Itutulak ko na lang ang pinto nang mahulog sa paanan ko ang isang papel na nakapaskil doon. Dinampot ko muna ang papel bago tuluyang pumasok. I looked around the newly-painted and spacious room. Naaamoy pa kasi ang pinturang ginamit sa puting mga dingding ng silid. It has centralized air-conditioning. May dalawang saradong pinto sa kaliwa habang nakabukas ang isa sa kanan. Off-white ang kulay ng granite floor tiles. Malapad ang glass walls sa dulo sa tabi ng isang office table kung saan nagmumula ang natural na liwanag bukod pa sa mga nakabukas na ceiling lights. Sa likod naman ng mesa ay mayroong office chair na nababalutan pa ng plastic. Sa isang banda ay naroon ang mga cabinet at side boards na tila wala pa sa tamang mga pwesto. Humakbang pa ako papasok. Sa tahimik ng silid ay halos marinig ko na ang t***k ng aking puso. Sinubukan kong sumilip sa nakaawang na pinto sa kanan at nakita ko roon ang iba pang nakatambak na office furnitures. Halos mapalundag ako at mabilis na lumingon sa kabubukas lang na pinto sa kaliwa. Natagpuan ko ang lalakeng kamukhang-kamukha ng aking asawa. Natulos ako at pakiwari ko ay huminto sandali sa pagtibok ang aking puso. "Yes, Miss?" bungad nito nang makita ako. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko alam kung ano ang isasagot. Nag-init bigla ang palibot ng mga mata ko. Binibiro ba ako ng sarili kong paningin? Bakit kamukha niya si Ali? “Who are you and what do you need?” Nanginig ang katawan ko nang marinig kong muli ang boses niya. Kahit pandinig ko ay tila nililinlang ako. I blinked back my tears. Pero imbes na sumagot ay binistahan ko ang kabuuan niya. I mentally measure his height. Kasingtaas din marahil siya ni Alistaire maliban sa mas slim tingnan ang lalake. Katulad ni Ali ay maputi rin ang balat nito pero, mas malinis ang mukha na wala man lang bakas ng umuusbong na facial hair. Nakasuot ito ng salamin sa mata at maayos ang pagkakasuklay ng makapal na buhok. He is also well-groomed. Hindi yata kakikitaan ni isang lukot man lang ang tela ng suot nitong light brown na coat at itim na pantalon. Sa paa niya ay itim din na sapatos. “Guess you lost your way and entered the wrong door.” Narinig ko ang sinabi niya pero, hindi ko iyon pinansin. Wala sa sariling napailing ako. Nakaawang ang aking mga labi habang sinasalubong ang mga matang iyon na nasa likod ng malinaw na salamin. I just can't believe that I am facing with someone who looked exactly like my husband. Kung hindi lang sa DNA test result ng nasunog na bangkay ni Alistaire ay gusto kong isipin na buhay talaga ang asawa ko at siya ang taong kaharap ko ngayon. “If you will not say anything, just leave. H'wag mo lang kalimutan na isara ang pinto paglabas mo.” Napakurap ako pagkatapos marinig ang sinabi ng lalake. At nang hindi pa rin ako nagsalita ay lumapit na ito sa akin. Nakita ko ang mahigpit na pagsasalubong ng mga kilay nito habang tinitingnan ako. I sensed his irritation when he breathed. Yes. The man has the same features with Alistaire except that he is staring back at me with a pair of cold eyes. Halata sa titig nito na hindi ako kilala. Sa gulat ay muntik na akong mapasinghap nang hablutin nito ang aking hawak. Tiningnan nito ang nakasulat sa papel na nadampot ko lang kanina at pagdakay muling nag-angat ng tingin sa akin. Tumaas ang mga kilay nito. “So you’re applying for this job?” I slightly frowned. Iniharap nito sa akin ang hawak. Binasa ko ang nakasaad doon na isang job posting. He rolled the paper with his hands and signaled his head. "Follow me." Pagkasabi noon ay umalis siya sa aking harapan at pumasok sa isang pinto. Ilang segundo pa akong natulala bago ako nakilos upang sumunod dito. May office desk din sa silid at doon na sa likod ng mesa dumirecho ang lalake. “Bago ko pa lang binubuksan ang opisina na ito at kailangan ko talaga ng mga tauhan. By the way, I am-” “Boss!” Napalingon ako sa pinto kung saan pumasok ang isang payat at maliit na lalake. Sa tantiya ko ay kaedad ko lang ito. “Come in, James. Iwan mo na lang sa mesa ang mga ‘yan.” Pinanood ko ang pagsunod ng kararating lang na lalake sa iniutos dito. Dalawang paper bags ang inilapag nito sa mesa sa sulok bago muling humarap sa tinawag na boss. “’Yan na lang muna ngayong araw, James. Uuwi na rin ako maya-maya kaya bukas ka na bumalik.” “Sige, Boss. Mauna na po ako.” Tumingin din sa akin ang tinawag na James at matipid na ngumiti bago lumabas ng opisina. “Have a seat.” Napatingin ako sa lalake. Nakataas ang mga kilay niya sa akin. Umahon ang aking prustrasyon nang ma-realize ko na nag-i-imagine lang ako. Sa paraan ng pagtitig at pakikipag-usap nito sa akin, malayong-malayo siya kay Alistaire. My husband’s dead. Mahigit isang taon na siyang wala. At sa dami ng mga tao sa mundo, hindi imposible na may makikita akong isa na kamukha ni Alistaire. I am acting ridiculous! Napangiti ako nang mapakla. Isang beses pa ulit niya ako inalok na maupo kaya naupo na ako. Naupo din ang lalake at matamang tumingin sa akin. "What's your name?" "Ysolde… Ysolde Aguilar.” He nodded. “As I was saying earlier, Miss Aguilar, kailangan ko talaga ng mga bagong tauhan dito sa bubuksan kong opisina. And I think anyone is capable of simple office work. Just bring your available documents tomorrow before you start working.” “A-ano?” “You’re hired.” Hindi ako nakakibo. Aware naman ako sa maling akala ng lalake na naghahanap ako ng trabaho, pero bakit hinayaan kong umabot doon. “W-wala na ba akong pagdadaanan na exams or interview?” apela ko na hindi pa rin makapaniwala. “As I've said, simpleng office job lang naman ang kailangang gawin. And this is already an interview, Miss Aguilar,” pormal na sabi nito at muling nagtaas ng mga kilay. “May tanong ka ba?” Bahagya akong napayuko at umiling. Hindi ko alam kung ano itong napasukan ko pero, bahala na. Alam ko naman na dinadaya ko lang ang sarili ko. Hindi siya si Alistaire. “What about your salary? Hindi mo man lang ba itatanong?” I looked at him and shook my head. “Kahit magkano na lang ang ibigay mong sahod sa akin ay ayos lang.” Nagusot ang noo nito. “May pamilya ka ba? Kasama mo ang mga magulang mo?" Umiling ako. "Nasa malayo ang mga magulang ko. Pero... may anak akong siyam na taon.” Natahimik siya sandali. “Single parent?” Tumango lang ako. “I see." Walang emosyon ang pagkakabitiw niya ng mga kataga. Ilang sandali pa ay tumayo siya. “So I will expect you tomorrow before nine in the morning, Miss Aguilar. Babalik ka naman siguro, tama?” Lumunok muna ako ng laway at tumayo. “Y-yes…T-thank you for hiring me." "You're welcome. And before I forgot, I am Xavi Buencamino.” He extended his arm for a handshake. Sandali kong pinagmasdan ang malaking kamay sa aking harapan bago nag-abot ng sa akin. Parang may pumunit sa puso ko nang magdaop ang aming mga palad. It felt familiar yet strange. Hindi ko alam. Mahirap ipaliwanag. Siguro sa isip ko lang pamilyar ang palad ng lalake dahil nakikita ko pa rin sa kaniya si Alistaire. He freed my hand. Naghanda na rin akong magpaalam bago pa ako lamunin ng mga iniisip ko at malimutan kong ibang tao ang aking kaharap. Bahagya akong nagyuko ng ulo. "I'll go ahead, Mr. Buencamino.” Isang simpleng tango naman ang itinugon niya at pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas ng office. Habol ko ang aking paghinga pagbaba ko ng hagdan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ilang sandali pa akong natulala bago ko naalalang kailangan ko nang umuwi ng bahay. Dali-dali akong naglakad papunta sa aking kotse at agad sumakay. Tumulala ulit ako at sandaling inalala ang mukha ni Mr. Buencamino. At nang maintindihan ko ang aking ginagawa ay napapikit ako kasabay ng pagtataboy ng imaheng iyon sa aking utak. No. I should stop this. People may resemble each other pero, nag-iisa lang ang asawa ko. Humugot ako ng hangin at nagkabit na ng seatbelt. Sa daan pauwi ay nagdesisyon ako- hindi ako babalik para magtrabaho kay Xavi Buencamino. Hindi siya si Ali. Malaki ang pagkukulang ko kay Ali bago siya nawala at ayoko nang dagdagan pa ang kasalanan ko sa asawa ko sa paraang alalahanin siya sa pamamagitan ng ibang tao. Tama nang nakakilala ako ng kamukha niya, pero hindi mabuti kung hahayaan ko ang sarili kong makita pa ulit ang lalake. Lagi ko lang maiisip na baka siya si Ali gayong hindi naman. Unfair iyon sa nanahimik ko nang asawa. --------------------------------------------------------------------- Isang linggo ang lumipas mula nang makilala ko si Xavi Buencamino. Aaminin kong madalas ko pa rin siyang maalala pero kaagad ko ring isinasantabi dahil sa tuwing naiisip ko ang mukha niya, parang may nag-uudyok sa akin na balikan ang sinisimulang opisina nito. “Hi, Ysolde! Going home?” Nakabihis na ako at handa nang umuwi nang lapitan ako ng isa sa mga chef instructors. Kung mas pinili kong magtrabaho kay Xavi Buencamino, baka hindi ako natuloy sa pag-aaral ng culinary. “Yes, Chef. Pero dadaan pa ako sa pet shop para bilhan ng pagkain ang alagang poodle ng anak ko.” He smiled. Isa sa mahuhusay na instructors ng school si Chef Roman. Ang dami rin niyang cooking techniques na ibinabahagi sa amin at na-a-apply ko sa sarili kong kusina. Sa kwento ng ilang staff ay pamangkin daw ito ng may-ari ng school at kilalang restaurateur ang mga magulang nito. “May kakainin pa naman siguro ang aso n’yo. Let’s have dinner first before you go home. Diyan lang sa malapit. Mga dalawang oras lang.” Hindi ako nakatanggi sa imbitasyon. Siguro dahil instructor ko siya at ayokong mapahiya siya. Coding ang sasakyan ko kaya wala akong choice kundi makisakay sa kotse ni Chef Roman. Ilang bloke lang ang layo ng restaurant mula sa school at twenty minutes lang ay pumaparada na kami sa parking space sa harapan. Hindi ko na ininda ang palad ni Chef Roman sa likod ko nang pumapasok kami ng restaurant. Sinalubong kami ng receptionist. We sat in a table for two. Lumapit ang naka-assign na waiter sa amin at hindi ko na pinatagal ang pagpili ng kakainin. I just want that dinner to be done para makabili na ako ng dog food at makauwi na ng bahay. Habang naghihintay sa aming pagkain ay nagkwento si Chef Roman. Sampung taon na raw itong instructor sa school at mas nag-eenjoy daw itong magturo kaysa mag-manage ng isa sa mga restaurants ng pamilya nito. Ilang sandali pa ay dumating ang aming mga inorder. Sinimulan ko rin agad ang pagkain sa vegetable salad. Nagpatuloy naman sa pagkukwento si Chef Roman at nagkokomento rin ito sa lasa ng kinakaing steak. “You wanna try my food?” tanong niya. Kaagad ang pagtanggi ko. Natutunan ko namang kumain ng karne pero, napakadalang. Maya-maya ay naubos ko na ang aking salad. I sipped from my glass of water. Nagpapahid ako ng bibig nang mapagawi ang aking mga mata sa kanang bahagi ng kainan. My heart instantly bounced when I saw a familiar face. Si Alistaire agad ang naisip ko pero, mabilis ko ring itinama ang aking mali. Tatlong mesa mula sa amin ay nakapwesto si Xavi Buencamino. He was having dinner with a middle-aged man. He was smiling happily at mukha ngang masarap ang usapan nila ng kasama. Then his eyes suddenly switched to my direction. Nagulat ako kaya hindi ko agad nabawi ang sa akin. Nagkatinginan kami. I tactically withdrew my eyes and looked at the ohter direction. Sa gayon ay pwede niyang isipin na napadaan lang ang mga mata ko sa kaniya. Patapos na sa pagkain nito si Chef Roman. Sumulyap ulit ako sa mesa ni Xavi at mukhang hindi nga niya ako nakita. O kung nakita man ay hindi na rin niya ako nakilala. Nang matapos ang kasama ko ay nagpaalam naman akong pupunta ng rest room. Walang gaanong pila kaya hindi rin ako nagtagal. Pero pagbalik ko ay may tig-isang baso na ng red wine sa mesa namin ni Chef Roman. “Hindi naman ako umorder nito...” sabi ko pagkaupo. “It’s okay. Isang baso lang naman. Pagkatapos niyan, ihahatid na kita sa inyo.” That dinner is enough. Hindi na ako papayag na ihahatid pa ako ng instructor. “Hindi na kailangan, Chef Roman. Kaya kong mag-taxi pauwi.” He smiled. “Fine. Hindi na kita pipilitin.” Dinampot nito ang wine glass at bahagyang itinaas. “Cheers?” Kinuha ko na rin ang sa akin at maingat na idinikit sa baso niya. Kaagad namang ininom ni Chef Roman ang red wine kaya sumunod na rin ako. “Ooops!” Napigil ang gagawin kong pagsimsim sa wine nang may kamay na humawak sa mismong baso. Nakita ko ring nagulat ang aking kasama. Pag-angat ko ng tingin ay natagpuan ko ang pamilyar na mga matang iyon. “Don’t drink it. Unless you want to sleep with that guy and wake up on his bed tomorrow," matamang babala sa akin ni Xavi Buencamino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD