“YOU won’t get anything from me! Wala kayong makukuhang impormasyon dahil hindi ko talaga alam kung nasaan si Chelsey!” Nagtagis ang mga bagang ko. Nasa kabilang silid si Noelle at ini-interrogate ng isa sa mga opisyal ng police. Pinanonood ko siya sa salamin. Pinakikinggan kong mabuti ang mga sagot niya dahil umaasa akong madulas siya at masabi kung saan nagtatago si Chelsey. “Ikaw ang kasabwat ni Miss Chelsey Montoya sa pag-kidnap at pagtatago kay Mr Aguilar. Imposibleng hindi mo alam kung nasaan s’ya ngayon.” “Hindi talaga! Bakit ba ayaw n'yong maniwala? Kahit anong gawin n’yo, wala akong sasabihin dahil wala akong alam! Let me go!” “Hindi ka namin pwedeng paalisin, Miss Lumbres. May kaso ka. Mabigat ang mga ebidensiya laban sa’yo. Una, pinalitan mo ang identity ng biktima at gamit

