~(JANEL HALENE SYJUCO POV) "Dami mong pera, ah?" tanong ko kay Zice pagkatapos niyang ibaba ang isang tray sa mesa na punong-puno ng pagkain. "Sino na naman na-scam mo?" Ngiting aso ito habang paupo sa tabi ni Raix. "Premyo ni King kagabi sa race. Umalis siya kaagad kaya ako na ang kumuha ng prize niya." "He left immediately after the race?" I asked. "Oo, mainit nga ulo eh." "Hmm, why?" "Ewan, baka kasi dahil hindi ka nanuod." Napailing ako habang hawak ang tinidor sa kamay ko. "As if." Zice invited me, but I told him na pass muna ako. It was the first time na sinadya ko talagang hindi manuod o magpunta sa race ni King. Mas makabubuti siguro kung patuloy ko muna siyang iiwasan. "Party mamaya, ha," nakangiting anito na siguradong gagastusin na naman ang daang libo sa isang gabi